Birthday ni Katrina Halili noong Jan. 4 pero wala siyang birthday party at sa halip, nag-celebrate kasama ang mga loyal supporters niya sa isang masayang fans day sa SM Sta. Mesa last Sunday.
Para sa isang artista, simple ang birthday wish ni Katrina at ito’y ang makapunta sa Hong Kong na ’di pa niya napupuntahan at ang makapag-Asian cruise na never pa rin niyang nagagawa.
Malapit nang matapos ang Beauty Queen, na gumaganap na kontrabida si Katrina, pero hindi natatakot dahil may mga naririnig na siyang project na kanyang gagawin. Ang mga projects na ito ang nagbibigay ng excitement sa dalaga sa 2011, kaya mas focused siya sa career at sa bubuksang negosyo.
Isang slimming diet pill ang ii-endorse ni Katrina para matulungan niya ang mga gustong gumanda ang katawan na hindi na mahihirapan.
Mark Herras ginawa nang bida
Tama lang na si Mark Herras ang bida sa dance serye ng GMA 7 na kung hindi mapapalitan, Dance With Me ang magiging title. Dati, sa teaser ng dance serye, silhoutte lang ng aktor ang nakikita, pero sa print ad ng mga new shows ng network, may litrato na ni Mark at siya lang ang nasa larawan.
Hindi tuloy malaman kung sino ang makakasama ni Mark sa dance serye although nabalitang kasama sa cast sina Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Rocco Nacino. Sana isama ang mahuhusay na dancers na nasa Party Pilipinas at sana rin, kumuha ng director na may alam talaga sa sayaw para mas maganda. Maganda ang plano ng GMA 7 sa dance serye at gagawing mala-Step Up 3.
Samantala, mas masaya ang pagsi-celebrate ni Mark nang nakaraan niyang kaarawan dahil kasama niya sa Enchanted Kingdom ang 54 kids mula sa My Father’s House Foundation at ang executive director ng foundation na si Deanna Collins. Nakisaya ang aktor sa mga bata at umuwi itong fulfilled ang feeling.
Bamboo nagkanya-kanya na
Nalungkot ang mga fans ng Bamboo sa pagka-disband nito at ang frontliner na si Bamboo Mañalac. Naintriga lang kami dahil kanya-kanya ng labas ng official statement sina Bamboo at Ira Cruz sa pagka-disband ng Bamboo.
Natawa tuloy kami sa hirit ng isang fan na maglabas na rin ng statement ang iba pang member ng banda.
Kumpara sa statement ni Bamboo, mas matapang ang statement ni Ira ha!
Anyway, tiniyak ni Mylene Dizon, GF ni Ira na patuloy na tutugtog si Ira dahil hindi kumpleto ang buhay nito kundi tutugtog.
Hindi lang sinabi ni Mylene kung saang banda natin muling makikita ang BF na tutugtog.
In another band news, wala na rin si Champ Liuopo sa Hale at nagsosolo na ito. May Hale pa ba?