Anak ni Robin nakakaawa

Naawa ako kay Kylie Padilla nang umiyak siya sa guesting sa Showbiz Central noong Linggo.

Na-feel ko ang pangungulila ni Kylie sa kanyang ina at mga kapatid na naiwan niya sa Australia.

Seventeen years old pa lamang si Kylie. Mukha lamang siyang dalaga pero bagets na bagets pa ang pag-iisip niya.

Gustung-gusto ni Kylie na mag-artista kaya napilitan siya na mamalagi sa Pili­pinas. Nakabukod na sila ng kanyang kapatid na si Queenie sa kanilang ta­tay na si Robin Padilla mula nang magpakasal ito kay Mariel Rodriguez.

Nagkikita at nagkakasama sina Mariel at Kylie sa shopping. Nasa posisyon si Kylie na mag-deny na buntis ang kanyang madrasta dahil may communication sila.

Pia ayaw pa ring aminin ang bagong dyowa

Marami na akong nababasa at naririnig na balita na may bagong boyfriend si Pia Guanio pero hindi naman siya nagsasalita.

Puro mga hearsay lang ang naririnig ko na guwapo, maganda ang katawan at mas bata kay Pia ang kanyang bagong inspirasyon pero walang makapag­labas ng picture.

Natatandaan ko na ako ang ni-request noon ni Pia na mag-interbyu sa kanya nang aminin nila ni Vic Sotto ang kanilang relasyon noon.

Pinuntahan ko pa sila ni Bossing sa set ng Enteng Kabisote sa San Mateo, Rizal.

Si Kristine Hermosa pa ang leading lady noon ni Bossing dahil hindi pa niya dyowa noon si Oyo Sotto.

Nagsisimula pa lamang noon ang love affair nina Pia at Bossing as in love na in love sila. Para talagang mauuwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan pero nagkahiwalay din sila noong isang taon.

Kung aaminin ni Pia na may bagong boyfriend na siya at kung ipapakilala niya ito sa publiko, ako pa rin kaya ang kanyang ire-request na mag-interview?

Utol... gagastusan ng TV5

Nagsimula kahapon ang taping ng Utol Kong Hoodlum ng TV5, ang TV series na pagsasamahan nina JC De Vera at Jasmine Curtis.

Sina Topel Lee at Argel Joseph ang mga direktor ng TV remake ng pelikula noon nina Robin Padilla at Vina Morales.

Sa April pa ang airing ng Utol Kong Hoodlum pero maagang nagsimula ang taping para hindi magahol sa oras.

Gagastusan ng TV5 ang show dahil may mga eksena na kukunan sa ibang bansa. Pupunta sa abroad ang mga artista ng Utol... alang-alang sa ikagaganda ng kanilang programa.

Amy hindi nakilala nang gamitin ang Ventura

Happy wedding anniversary sa mag-asawang Duke Ventura at Amy Austria na pinili na mag-celebrate sa New Zealand dahil nag-aaral doon ang kanilang anak na si Alex.

Halos isang buwan na nagbakasyon sa New Zealand ang mag-asawa. Doon na sila nag-Pasko at Bagong Taon.

Dahil nasa ibang bansa si Amy, hindi muna siya nag-taping para sa Minsan Lang Kita Iibigin. Kasali si Amy sa inaabangan na drama series ng ABS-CBN at  ginagamit na niya ang apelyido ng kanyang beloved husband.

Marami ang hindi nakakaalam na Ventura ang apelyido ng asawa ni Amy kaya nakatanggap ako ng mga tawag sa telepono mula sa mga tao na nagtanong kung sinex si Amy Austria-Ventura.

tatay ni alfred nailibing na!

Inilibing kahapon ang tatay ni Alfred Vargas at back to work agad siya dahil halos isang linggo rin na nag-absent siya sa kanyang opisina sa Quezon City Hall.

Actually, ang physical presence lang ni Alfred ang wala sa Quezon City Hall dahil nasa work mode siya kahit nakabantay sa burol ng kanyang ama sa Sta.Maria, Bulacan.

Show comments