Naniniguro na Sharon pumayag na endorser ng pampapayat

Sa isang five-star hotel sa Makati City ang launching ni Sharon Cuneta as the newest endorser of Marie France. Siguradong malaking event ito na this month na mangyayari.

Ang Marie France ang isa sa nabanggit ni Sharon sa lauching ng perfume niyang Loving by Sharon ng Zen Zest na endorsement na ilo-launch niya this year. Ang Marie France rin tiyak ang nasa likod nang tuluy-tuloy na pagpayat ni Mega.

Pagpasok pa lang ng taon, may bago na ring endorsement si Kris Aquino at ito’y ang Petron na ang TVC ay isu-shoot niya bukas, Wednesday. Siguradong may mga susunod pang endorsement si Kris at tingnan natin kung mapantayan this year ang dami ng endorsements niya last year.

Hindi rin nagpapahuli ang anak nitong si Baby James dahil kinuha rin ang bagets na endorser ng Mongol at sa Sunday naman ang pictorial nito at tiyak, sasamahan ni Kris ang anak sa nasabing pictorial.

Abangan pala ng mga taga-Davao si Kris dahil darating siya sa Thursday para sa audition ng Pilipinas Got Talent at Saturday na ang balik ng Manila.

Anak ni Robin tiniis ang lungkot!

Ang ganda ng interview ni Pia Guanio kay Kylie Padilla sa Showbiz Central at sa gitna ng interview, umiyak ito dahil nami-miss ang mga kapatid at ina na nasa Australia. Promo ng Dwarfina ang guesting ni Kylie sa show dahil kasama siya sa fantaserye na umere na simula kagabi.

Lalong naiyak si Kylie nang makausap sa phone ang kapatid na si Ali na may Aussie accent. Kahit nami-miss ang pamilya, ginusto ng dalagitang mag-stay dito dahil gusto niyang mag-artista.

“Hindi ko matatanggal na gusto kong mag-artista. I’m amazed with the art of filming. I get captured when I watched a movie,” sabi ni Kylie.

Si Derrick Monasterio ang loveteam ni Kylie sa Dwarfina na tuwang-tuwa na siya ang napili ng GMA 7 na ipareha sa dalagita. Naiinggit sa kanya ang mga kaklase sa Claret na may crush kay Kylie dahil partner niya ito at crush din niya ang dalagita, pero hanggang paghanga na lang siya dahil takot siya kay Robin Padilla.

Angelica naguluhan sa The Buzz

Natawa kami sa comment ni Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account na sabay-sabay sila nagsasalita sa The Buzz, “wala na ’ko naiintindihan.”

Tiyak na isa sa napag-usapan sa The Buzz kung bakit wala si KC Concepcion sa birthday celebration ni Piolo Pascual sa ASAP Rocks dahil nangako ang singer-actress na sa show niya sasabihin kung bakit. Nabasa namin sa kanyang Twitter ang “Why I wasn’t on ASAP Rocks today (Sunday) for someone’s 1st week of a month-long birthday celebration! I’ll tell u na lang sa The Buzz.”

Ang napanood ng mga viewers ay ang paglabas ng anak ni Piolo na si I­ñigo na nakipag-duet pa sa ama ng Beatles original song na I Wanna Hold Your Hand na ginamit sa Glee.

Sabagay, may three Sundays pa magsi-celebrate ng birthday si Piolo, puwede na sigurong pumunta sa show si KC.  

Show comments