MANILA, Philippines - Ang pamosong actor at Academy award winner na si Nicolas Cage ang bida sa Season of the Witch kung saan binase ito sa kasaysayan ng Black Plague at pakikibaka sa mga mangkukulam noong 14th century.
Kinunan sa Austria, Hungary at Croatia, dinirek ni Dominic Sena, ang supernatural thriller na ito ay kasama sa cast sina Ron Perlman at Claire Foy.
Mula sa panulat ni Bragi F. Schut, ang Season of the Witch ay balik-tanaw sa magulong siglo ng Central Europe kung saan halos 75 milyong katao ang namatay noong panahon ng Black Plague.
Matatandaan na nanalo si Cage para sa pelikulang Leaving Las Vegas at pinagbidahan ang ‘di malilimutang movies gaya ng Adaptation, The National Treasure, Con Air, The Rock, Ghost Rider, World Trade Center at Sorcerer’s Apprentice.
Pinamamahagi locally ng Viva International Pictures at MVP Pictures, ang Season of the Witch ay magbubukas sa mga sinehan sa January 26.