Angelica naubusan ng sasabihin sa Ingliserong ama

Minahal ng buong bayan ang Koreanovelang Green Rose na ipinalabas ng Kapamilya Network noon. Sa February ay muli nating mapapanood ang Green Rose but this time ay Pinoy version naman. Pinagbibidahan ito nina Anne Curtis, Jake Cuenca, at Jericho Rosales. Ngayon pa lamang daw ay excited na si Anne para sa kanyang bagong project na ito. “Sobrang sinubaybayan siya dati when the Korean version came out. Tapos noong sinabi nilang this is the last Korean adaptation na gagawin ng ABS, so all the more I was excited to do the project,” bungad ni Anne.

“Ang role ko rito, Angela Tuazon is a very sweet and very quiet pero malalim ang pinaghuhugutan. Sobrang grabe siya, kumapit sa pagmamahal niya. She does a lot of things in the name of love,” dagdag pa ni Anne. Espesyal ang Green Rose dahil sa Korea pa raw isu-shoot ang maraming eksena para sa serye. “At the end of this month, we’re all very excited kasi for the weather, malamig pa sana. Most of it will be shot in Korea, pero marami rin dito sa Pilipinas kasi dito nakabase ‘yung story namin,” pagtatapos ni Anne.

Noong December ay nakilala na ni Angelica Panganiban ang kanyang tunay na ama sa Amerika na si Mark Charlson. Labis ang kaligayahan na naramdaman ni Angelica dahil nabuo na raw ang kanyang pagkatao nang magkatagpo silang mag-ama. Mula raw noon ay naging constant na ang communication nilang dalawa. “Tumawag siya noong Christmas. Nakakatuwa ‘yung feeling na may kausap akong inglisero noong Pasko. Medyo nanginginig ako, nagpa-panic ako, naubusan ako ng words. Noong New Year nag-e-mail ako sa kanya, nagpadala rin ako ng greeting card at pictures sa kanya. Tapos tumawag siya noong nakuha niya, natuwa naman siya,” nakangiting kuwento ni Angelica. Mayroon daw siyang plano na muling makipagkita sa ama ngayong taon. “Kung matutuloy ‘yung Star Magic tour namin sa States baka lumipad siya kung saan man ‘yung tours na namin. Gusto ko ring makita niya sina Mr. M at Tita Mariole. Mga naging pangalawang magulang ko, mga magulang ko sa industriya. ‘Yung iba kong katrabaho gusto kong makita niya kung paano ang nature of work namin. Kung mahirap ba o nakakatuwa sa kanya. Gusto kong ma-experience niya ‘yung puyat,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, ngayon ay kabado raw si Angelica sa pelikula nilang Bulong ni Vhong Navarro under Star Cinema na malapit na ring ipalabas. “Excited kami na kinakabahan dahil kami ‘yung unang ipapalabas sa 2011, at nanggaling nga tayo sa filmfest na sobrang successful. Positive naman kami. Alam naman namin na maganda ang naging performance namin sa pelikula,” kuwento pa ni Angelica. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments