Nakarating na kaya kay Jewel Mische ang mga pagbabanta sa kanya ng obviously fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson? Kami ngang nagbabasa lang ng e-mails ng threats sa aktres ay worried sa mga pananakit na gagawin daw sa kanya dahil lang sa makakapareha siya ng actor sa Buhawi Jack.
Sa title pa lang ng e-mails, nakababahala na’t may Bakal Na Tubo Para Kay Jewel, Dead Na Dead at Bomb For Their Families. Magkakaiba ang nilalaman nang natanggap naming e-mails, pero puro pananakit ang laman, hindi kaya iisang tao lang ang nasa likod nito?
The last time na nagkaroon kami ng communication ni Jewel, masaya siya sa ABS-CBN at sa mga project na gagawin. Thankful din na naiintindihan siya ng Kimerald fans sa pagtatambal nila ni Gerald, pero mukhang hindi lahat naintindihan siya.
Aswang ibinigay na sa director ng punerarya
Siguradong malaking bagay ang magandang review sa Punerarya episode ng Shake, Rattle & Roll XII sa pagpapalit ng director ng Aswang ng Regal Films. Hindi na si Topel Lee, kundi si Jerrold Tarog na director ng Punerarya episode na nagbigay ng first acting nomination ni Carla Abellana ang magdidirek ng movie.
Si Jerrold din ang director ng mga pelikulang Confessional, Mangatyanan at Senior Year bago ang Punerarya episode ng SR&R XII.
Naurong sa last week ng February ang shooting ng Aswang para paghandaan ng husto at gagawin in 3D form. Masuwerte nga si Glaiza de Castro dahil ang launching movie niya ay in 3D at kapareha pa si Dennis Trillo.
Chynna hindi na lalayas sa kapuso
Nagdesisyon na pala si Chynna Ortaleza na ‘wag tanggapin ang offer ng TV5 at manatili sa GMA 7. Ilang linggo ring tuliro ang actress sa kaiisip kung lilipat ba siya ng istasyon at iiwan ang kanyang home studio.
Dapat kasama si Chynna sa Babaing Hampaslupa bilang kontrabida kay Alex Gonzaga, pero dahil hindi siya natuloy lumipat, si Karel Marquez ang pumalit sa kanya.
Ibig kayang sabihin nito, hindi na maggi-guest sa PO5 si Chynna at sa ibang shows ng TV5? Ang Jillian : Namamasko Po lang ang show niya sa GMA 7 at hindi pa siya regular na napapanood.
Nanay nagdarasal anak na aktres makipag-break sana sa non-showbiz bf
Hindi pabor ang nanay ng isang magandang aktres sa relasyon niya sa kanyang non-showbiz BF, may term ang ina ng aktres sa nobyo ng anak, pero hindi namin isinulat at baka may ma-offend.
Kaso, ayaw makinig ng aktres sa ina at ini-insist dito na mabait ang BF at ang ina ang problema dahil hindi kinikilala ng husto ang nobyo. Alam din ng aktres na mas pabor ang ina sa ex niya kahit playboy at tiyak siyang ‘pag nakipag-break siya sa BF niya ngayon ay itutulak siya ng ina na makipagbalikan sa ex.
Walang power ang ina ng aktres na piliting makipag-break ang anak sa BF dahil breadwinner ang aktres sa pamilya nila at wala itong reklamo sa mga gastusin nila sa bahay. Pero nagdarasal pa rin ang ina na makakita ang anak ng mas karapat-dapat na lalaking kanyang mamahalin dahil mabait na anak ang aktres.
Masama ang loob
Sa Reel Love Presents…Tween Hearts, masama ang loob ni Aya (Joyce Ching) sa hindi pagsipot ni Chris (Kristoffer Martin) sa monthsary date nila at tuluyan na siyang nakipag-break dito nang mahuling kasama nito si Leslie (Lexi Fernandez).