Wala pang nagsasalita sa balitang appointment ni Mother Lily Monteverde bilang Presidential Consultant on Entertainment ng Malacañang. Balitang ito ang ibinigay o ibibigay pa lang na posisyon kay Mother Lily ni Presidente Noynoy Aquino.
Si Boss Vic del Rosario ang dating nasa posisyon, noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Kahit ang isang insider ng Malacañang ay wala pang alam tungkol sa nasabing appointment ng Regal matriach.
Pero malakas ang ugong sa showbiz na totoo ito. Or magkakatotoo ito. Ang magiging problema lang daw ay kung hindi tatanggapin ni Mother Lily.
Wala naman daw suweldo ang nasabing posisyon pero malamang na malaki ang magiging impluwensiya ni Mother Lily kung saka-sakali sa mga magiging desisyon ng Pangulo na may kinalaman sa mga mangyayari sa industriya ng pelikula sa bansa.
Kung totoo nga ito, deserving si Mother Lily. Bukod sa alam niya ang kalakaran sa loob at labas ng showbiz in general, karapat-dapat siya sa nasabing posisyon. Bukod pa ito na sa simula’t simula pa lang ng kampanya, naging very vocal si Mother Lily sa pagtulong kay Pangulong Aquino. At least kung na-appoint or ia-appoint nga siya ni P-Noy, kapuri-puri ang desisyon ng pangulo dahil hindi niya kinalimutan si Mother Lily hindi katulad ng ibang mga tinulungan ni Mother Lily noong mga kandidato pa lang.
Si Sen. Antonio Trillanes na ipina-presscon noon ni Mother Lily nang tumakbong senador. Comment nga noon ng mga kakilala nung gawin niya ‘yun, aba hindi ba siya natatakot sa sasabihin ng mga tao sa kanya. Pero go noon si Mother Lily. Itinaya niya ang pangalan niya. Nanalo naman si Trillanes pero nakulong ng matagal na panahon. Ngayong nakalabas na siya, naalala pa kaya niyang pasalamatan si Mother Lily sa naging tulong nito noon?
Kung sabagay maraming natulungan si Mother Lily na nasa matataas na posisyon na ngayon, pero naalala pa kaya siya?
* * *
Nami-miss na ng televiewers si Edu Manzano. Ano na raw nangyari sa plano ng GMA 7 na bagong programa pagkatapos ng Asar Talo, Lahat Panalo. Akala raw nila, bibigyan si Edu ng late night show kasama si dating Secretary Teodoro. Bagay daw ang dalawa at wini-wish nila na matuloy ang dalawa sa iisang programa.
Sinubukan kung tawagan si Tita June Torrejon, manager ni Edu para makibalita tungkol sa kanyang alaga at sabi niya inihahanda na raw ang bagong programa at prinesent pa lang sa kanila the other day at pag-aaralan pa raw nila. Ayun naman pala.