Star Circle Quest nakiisa kay Garfield

MANILA, Philippines - May exciting na promo ang franchisee ng Garfield Wears and Shoes sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN Star Circle Quest Kiddie Superstar. Sa nakaraang contract-signing event na ginanap sa Mall of Asia, pinangalanang Style.Shoot ang in-store promo sa lahat ng SM Department Stores. 

Sa bawat resibo ng nabiling Garfield Wears na umaabot sa halagang P1,000 at Garfield Shoes na halagang P500, dalawang bata (babae’t lalaki) ang magkakaroon ng tsansang manalo ng tig-P20,000 at may TV appearance pa sa isang episode ng Star Circle Quest Kiddie Superstar.

Para sa mga detalye, bisitahin ang facebook.com/garfieldapparel.

Abangan ang schedule ng photo session sa ilang SM malls ngayong Jan. 8-9, 2-8 p.m.: North EDSA, Cubao, Marilao, Sucat, Tarlac, Bacoor, Fairview, San Pablo, at San Lazaro.

Show comments