MANILA, Philippines - Lumabas na ang unang isyu ng Philippine Tatler para sa taong 2011 at kapana-panabik ang bawat pahina nito dahil bukod sa exciting na ikalawang bagong dekada ng bagong milenyo, babalikan din ng magasin ang mga naganap sa loob ng nakaraang dekada at kung ano na ang mga nabago sa atin ngayon.
Sa unang pagkakataon, nasa cover si Mons Romulo-Tantoco, ang anak nina Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo at Lovely. Isang civic leader at kolumnista ng The Philippine Star, ipapakita ng magasin ang kakaibang taste ni Tantoco sa pananamit sa tulong ng kanyang kaibigang si Tina Maristela-Ocampo, na isang magaling na designer at modelo.
Kilalanin ang mga estudyante ng British School Manila at ang kanilang achievements dahil mapapabilang sila sa mga future leaders natin. Ilalabas din ng Philippine Tatler ang mga kilalang boarding schools sa buong mundo.
Ngayong buwan, alamin ang istorya ni Bonnie Gokson, ang nasa likod ng bago at matagumpay na Hong Kong restaurant, ang Sevva.
Curious sa brand na Bulgari? Maraming impormasyon ang mababasa sa January issue! Basahin din ang travel guide kung saan magandang mamasyal ngayong taon.