Resident pa rin ng New York si BB Gandanghari at walang nakakaalam kung kailan siya babalik sa Pilipinas.
Ni ayaw ipaalam ni BB na nasa New York siya. Isang bagay ang sigurado, nagtatrabaho si BB sa New York pero inililihim niya. Puwede rin na may lovelife siya roon kaya hindi niya nami-miss ang sariling bayan at ang showbiz.
regine walang planong tantanan ang showbiz
Walang dapat ibahala ang fans ni Regine Velasquez dahil babalik siya sa Party Pilipinas, matapos mawala ng ilang linggo dahil nagpakasal sila ni Ogie Alcasid noong December 22.
May mga naniwala kasi sa tsismis na goodbye showbiz muna si Regine dahil priority niya ang magbuntis ngayong 2011. Hindi true ang tsismis dahil malapit nang bumalik si Regine sa Party Pilipinas at ready for airing ang primetime show nila ni Dingdong Dantes.
Foreign movies puwede na uli
Opisyal na nagwakas kahapon ang 36th Metro Manila Film Festival na dalawang linggo rin ang itinagal sa mga sinehan.
Tapos na ang filmfest kaya showing na ngayon ang foreign movies. Puwede nang ilabas ng MMDA at MMFF executive committee ang total gross ng walong pelikula na kalahok sa MMFF.
Malalaman natin kung mas successful ang filmfest noong 2010 kesa sa MMFF noong 2009.
Mariel ‘di pa sure kung buntis
Hindi muna dapat paniwalaan ang tsismis na buntis na si Mariel Rodriguez dahil kung totoo ito, tiyak na nagsalita na siya at ang kanyang mister na si Robin Padilla.
May pelikula ang dalawa na coming soon. Malay natin, baka publicity ang tsismis para sa pelikula nila na kinunan sa India.
At kung totoo man ang tsismis, walang masama dahil mag-asawa na sina Mariel at Robin.
Yasmien maluwag na uli
Maluwag na uli ang schedule ni Yasmien Kurdi dahil tapos na ang Grazilda. Nursing student si Yasmien sa New Era College at dahil nagwakas na ang Grazilda, makakapag-concentrate na uli siya sa kanyang pag-aaral.
May kinalaman sa showbiz ang dating course ni Yasmien pero nag-shift ito sa nursing dahil gusto niya na alagaan ang kanyang nanay kapag nagkaedad ito.
Mapagmahal at responsible daughter si Yasmien. Hindi siya katulad ng ibang mga artista na suwail sa magulang porke kumikita na sila ng sariling pera.
Iba si Yasmien dahil malaki ang respeto niya sa kanyang ina. Proud ako sa kanya.
Kylie tumigil muna sa pag-aaral para sa showbiz
Huminto uli sa pag-aaral si Kylie Padilla dahil nakasentro ang atensiyon niya sa kanyang showbiz career.
Si Kylie ang pangalawang anak nina Robin Padilla at Leizel Sicangco. May basbas ng kanyang mga magulang ang pagbabalik showbiz ni Kylie na huling napanood sa Joaquin Burdado.
Kasali si Kylie sa cast ng Dwarfina. Love interest niya sa bagong primetime show ng GMA 7 ang anak ni Tina Monasterio na si Derrick.
Startalk
Sabado na naman kaya huwag ninyong kalimutan na panoorin ang Startalk ngayong hapon dahil ang hottest showbiz issues ang inyong matutunghayan sa show na tunay na showbiz authority.