Issue kay Melai pinalalaki?
Gusto ko sanang panoorin sa iisang araw lamang ang Rosario at Tanging Ina Mo, Last Na ’To para madali ang pagkukumpara sa dalawang pelikula, lalo na kina AiAi delas Alas at Jennylyn Mercado. Pero sa hindi maiiwasang kadahilanan, magkasunod na araw kong napanood ang dalawang pelikula.
Naisulat ko na ang naging ‘kasalanan’ ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa bidang babae ng Rosario pero after watching AiAi’s portrayal of Yna Montecillo, mother of 12, nakita ko na tama naman palang nanalo siya. Deserved niya ang award niya. Siya naman ang magagawan ng injustice kung hindi ibibigay sa kanya ang best actress trophy. I’m sure maski ang kalaban niyang si Jennylyn would have thrown the towel in the ring of competition para lamang tanggapin ang pagkatalo nito. Pero ni mabigyan ng nominasyon ay hindi nagawa ng MMFF sa kanya. She was not even in competition.
Dahil marahil ikatlo at huling yugto na ng Tanging Ina Mo, gamay na ni AiAi ang role, pero nakita pa rin ’yung effort niya na mas pagalingin pa ang pag-arte niya. Kaya sigurado siya na magiging best actress. Nakakatawa in its entirety ang movie pero marami ring dramatic moments. Marami ang nakasabay ko sa CR after ng madadramang eksena ang may bakas pa rin ng luha sa mga mata, meron nga, umiiyak pa rin. Feel na feel nila ’yung mga hinanakit ng isang ina na naghihintay na lamang ng kanyang kamatayan. Ang galing niya! Naalagaan siyang talaga ni Direk Wenn Deramas.
Worthy din si Eugene Domingo bilang best supporting actress. Kung sa naunang dalawang Tanging Ina ay halos masapawan niya si AiAi, dito sa ikatlo, wala siyang ibinigay na threat kay bestfriend. AiAi was way, way ahead of her sa pag-arte. Pero ang galing din ni Uge! Napaka-effective niyang sidekick. Hindi siya maramot.
Andun sa pelikula ang karamihan ng mga gumanap ng anak ni Ina, ang nasa Kapuso Network nang si Marvin Agustin, pero na-miss si Heart Evangelista. She would have given the film ’yung kinakailangan nitong grand finale. Samantala, halos nakita lamang sina Serena Dalrymple, Jiro Manio, at ang gumanap na misis ni Uno (Marvin) na si Kaye Abad at maging ang gumanap na mister ni Trudis (Nikki Valdez) na si Rafael Rosell pero parang mga extra lang sila. Ang mahalaga, maliban kay Heart, halos kumpleto ang mga anak ng Tanging Ina.
I’m sure pinakamasayang pelikula ng MMFF ang entry ng Star Cinema, isa sa tatlong entry nila. Kahit malungkot na ang eksena, natatawa pa rin ang manonood.
* * *
Kasama pala sa listahan ng mga pinaka-outstanding films and performances na indie films ng 2010 ang Sigwa ni Joel Lamangan. Hindi lamang ang pelikula ang nahawakan ng husto ng magaling na direktor, nasa talaan din ang pangalan ni Dawn Zulueta bilang best actress habang best supporting actress naman sina Lovi Poe at Gina Alajar. Cited naman sina Allen Dizon at Tirso Cruz III bilang best supporting actor.
Nasa panahon na naman tayo ng pagbibigay ng recognition at pagkilala sa mga magagandang pelikula na nagawa ng nakaraang taon. Abala ang lahat ng mga award-giving bodies sa pagre-review ng mga pelikula na ang bulto ay mga indie films na marami ang mas nauna pang napanood at kinikilala sa abroad kesa dito sa atin.
Hindi naman gaanong marami ang mainstream movies na ginawa at napanood nung 2010. Walo rito ay napanood ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
* * *
I’m sure ginagawan na lang ng isyu at pinalalaki na lang ang ginawang pagsusunog ni Melai Cantiveros sa programang Banana Split ng mga larawan ng sumisimbolo ng nagdaang taon na bagama’t maraming larawan ng malalaking artista ang nakasama ay kung bakit nasentro lang kay Mr. Fu ang pagrereklamo ng kanyang mga fans at maging ng mga manonood ng TV5 na kung saan siya ay isang artist.
Poor Melai, bakit siya ang pinupuntirya gayong sumusunod lamang siya sa isinasaad ng kanyang script at iniaatas ng nakatataas sa kanya, sa kasong ito ay ng kanyang producer, o baka direktor din?
Huwag nating kalilimutan na hindi lamang ang programa ang sinusubaybayan, marami ring followers ang grand winner ng Pinoy Big Brother (PBB) kaya sa tanggapin man nila o hindi, nakaka-ride on sila sa popularity ng programa at ng artistang inaaway nila.
- Latest