MANILA, Philippines - Matapos niyang matalo ang pinakamasamang kalaban, haharapin na ni Grazilda ang pinaka - penultimate na laban sa kanyang walang pusong ina na si Veronne sa inaabangang finale sa original fantasy-drama series ng GMA 7 na pinagbibidahan ng versatile actress na si Glaiza de Castro bukas, Biyernes.
Ngayong matatapos na ang adventure and the real world come to an end, will Grazilda get her one last chance para sa isang happily-ever-after kasama ang mortal Prince charming niya (Geoff Eigenmann)?
Dahil sa undying love ni Eric, Grazilda successfully overpowered Fabiola (Sheryl Cruz) pero tinanggihan siya nitong patayin. Naagaw naman ni Veronne (Cherie Gil) ang kanyang wand at nakuha lahat ng kanyang powers. She conspires with Cindy (Yasmien Kurdi) to disrupt Grazilda and Eric’s wedding in Fantasia.
Magtagumpay kaya ang step mom at step sister ni Grazilda sa kanilang wicked schemes? Pagkatapos ng lahat ng laban at heartaches, will Grazilda finally have a fairytale romance with her prince o tuluyan na nila itong hindi makukuha?
Kasama rin sina Rio Locsin, Joel Torre, Jolina Magdangal, Stef Prescott, Dyanin Cruz, Bhodie Cruz, Dominic Roco, Daniel Matsunaga, Benedict Campos, Angeli Nicole Sanoy, Gwen Zamora at dinidirek ni Dominic Zapata kasama si Ricky Davao sa second unit.
Panoorin ito after ng Beauty Queen sa GMA 7.