Fans ni Justin binantaang papatayin si Selena

MANILA, Philippines - Mainit ang pagpasok ng taon kay Justin Bieber dahil bukod sa siya ang cover ng Vanity Fair magazine na lalabas sa Jan. 11, kontrobersiyal ang panibagong “Baby” sa buhay ng Canadian teen singer.

Naglalabasan ngayon sa mga US magazines ang iba’t ibang litrato nina Justin at Selena Gomez sa kung saan-saang lugar.

Mahirap ma-link sa pop idol dahil kabi-kabilang batikos ang inaabot ni Selena nga­yon sa mga tagahanga ni Justin. Hindi lang iyon, marami na rin siyang death threats!

Ayaw ng mga fans na makunan silang magkasama sa Miami at Carribean na sweet na sweet. Nag-deny naman ang 16-year-old heartthrob na may larawan silang naghaha­likan ng idini-date na kap­wa teenager sa isang yate sa Caribbean noong New Year. Diin ng teen superstar, peke ang mga ini­labas na litrato ng mga magasin.

Matagal nang napapag-usapan ang romansa ng dalawa na nagsimula noong August pa. Pero ngayon lang sila nakukunan ng pasikreto ng mga photographers.

Show comments