MANILA, Philippines - Mahigit 2,000 mga bata mula sa iba’t ibang charity ang nakisaya sa mga kalaro nila sa Batibot sa muling pagbubukas ng musical dancing fountain sa Rizal Park lagoon kamakailan lang.
Naghandog ng saya sa mga manonood ang well-loved muppets ng Batibot na sina Koko Kwik Kwak, Kapitan Basa, at Ningning at Gingging sa isang special one-hour live show kasama ang mga host nitong sina Ate Maya at Kuya Fidel.
Sa tulong ng Jack ‘n Jill Pretzels, nag-enjoy ang mga chikiting at kanilang pamilya sa handog na song and dance number, storytelling, at games ng TV5. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga bata na maglaro sa booth games ng TV5 Kids at magpalitrato sa photo booth kasama ng kanilang favorite Batibot muppets.
Katuwang ang National Parks Development Committee (NPDC), muling binuksan ng Department of Tourism ang musical dancing fountain upang tuluy-tuloy na pasiglahin ang Rizal Park. Dati nang naging sikat na atraksiyon sa national park ang fountain bago ito mapatigil at muling buksan sa publiko.
Mas kilalanin pa ang iyong paboritong kalaro sa Batibot habang natututo tuwing Sabado, 8:30-9am; at araw-araw, 9:00-9:30am at 4:00-4:20pm sa TV5 Kids!