^

PSN Showbiz

Jewel nawalan ng choice kay Gerald

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Akala ko nung una, nagseselos si Heart Evan­ge­lista kay Glaiza de Castro kaya bantay sarado ito sa guesting na ginagawa ng boyfriend sa naturang programa. ‘Yun pala, hindi selos kundi ang malaki niyang concern para sa kanyang Brazilian model at hunk bf na si Daniel Matsunaga ang nagtutulak sa kanya para samahan ito sa lahat ng lakad, tuloy nagmumukha siyang stage girlfriend.

Kung sabagay, wala namang masama rito, kung ganun ba siya ka-concern kay Daniel, sino tayo para pigilan siya? Kung siya nga hindi affected, bakit kailangang tayo ang maapektuhan? At bakit kailangang pigilan natin ang isang artista na gawin ang isang bagay na nagpapasaya sa kanya kung hindi naman tayo apektado?

* * *

O, malinaw na hindi nanliligaw si Willie Revillame kay Konsehala Shalani Soledad. Magkaibigan lang talaga sila at mabuting co-workers. Mis­mong sa bibig ng ma­­­­gandang ex ni P-Noy nanggaling ang denial na ito. Bagaman hindi niya itinatanggi na galing kay Willie ang suot-suot niyang singsing, hindi ito simbolo ng isang romansa kundi ng isang pag­ka­kaibigan.

This will put to rest the wish o silent prayer ng mga maka-Willie na ma­­­gustuhan ni Shalani si Willie dahil magiging ma­gan­dang impluwensiya daw ito sa controversial TV host. It seems hanggang friendship lang ang relasyon ng da­lawa. Pero sino ang makapagsasabi, maraming milagro ang buhay. Baka sa madalas nilang pagsasama ay ma-­develop sila sa isa’t isa.

* * *

Hindi na nga kaya galit ang mga Kimeralds kay Jewel Mische matapos na makiusap siya sa kanila na trabaho lang ang habol niya sa kanilang idolo at hindi ang pinakaiiwasan nilang romansa. Wala sa plano ng bagong recruit ng ABS-CBN na makipagrelasyong muli matapos ang hindi magandang paghihiwalay nila ni Richard Gutierrez na siyang nagtulak sa kanya para lumipat ng network.

Hindi niya pinili na makapareha si Gerald, ang istasyon ang nagpasya nito, hindi niya matatanggihan dahilan lamang sa natatakot siya sa mga fans nito. Kung si Kim Chiu ay nakikipagpareha na sa iba at pinapayagan nila, bakit hindi si Gerald?  

vuukle comment

BAGAMAN

DANIEL MATSUNAGA

HEART EVAN

JEWEL MISCHE

KIM CHIU

RICHARD GUTIERREZ

SHALANI SOLEDAD

SHY

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with