Nagbawas ng kasamaan ng loob ang isang aktres last Christmas.
Siya na ang gumawa ng paraan para matapos na ang matagal-tagal na ring samaan nila ng loob ng isang showbiz personality.
Pinadalhan ng aktres ang showbiz personality ng regalo na ikinagulat ng huli.
Sobrang na-touched naman ang showbiz personality. Mangiyak-ngiyak siya dahil hindi raw niya mapigilan.
“Alam niya from the start na wala akong galit sa kanya. Sila lang ang nag-isip,” sabi ng showbiz personality.
Good for them. At least, nabawasan ang may samaan ng loob sa showbiz.
Tamang-tama sa bagong taon.
* * *
May pinapakinggan akong AM radio show kahapon. Kaya lang ba’t ganun. Parang ang daming bitterness ng host. Feel ko rin ang dami ng regrets niya sa buhay na sa kanyang radio show niya inilalabas. Bakit kaya siya pinapayagan ng radio station na pinagsisilbihan niya?
‘Di ba pag commentator ka, meron kang responsibilidad sa listeners mo unless interesting ang buhay ng pinapakinggan mo. ‘Wag naman ‘yung kung anu-ano lang.
Well, sa kaso ng host na napakinggan ko, parang hindi na siya gaanong interesting lalo na kung tungkol sa buhay niya ang pinag-uusapan.
Kuwentong radyo pa rin. Meron pa akong narinig kahapon na isang broadcaster. Parang may memory gap na siya. Imagine, paulit-ulit ang comment niya sa iisang subject. At ang the height, ang reporter pang kausap niya ang nag-explain tungkol sa isang issue na binabanatan niya.
Hahahaha. Mas alam ng reporter ang issue kesa sa commentator.
Kaloka.
* * *
Mas exciting ang concert scene ngayong taon.
Pagdating ng February, sunud-sunod ang magagandang concert. Naka-line up ang concert nina Sarah Geronimo at Martin Nievera. First time magsasama ng concert king at ni Sarah kaya marami nang nai-excite na manood ng What Love Is na naka-schedule sa February 12 sa Araneta Coliseum.
May concert din sina Pops Fernandez at Ogie Alcasid sa nasabing petsa pero, sa Crowne Plaza Hotel ang venue kaya walang banggaang mangyayari. Si Annabelle Rama ang producer ng concert nina Pops at Ogie.
May concert din si Taylor Swift na pinag-aagawan ang mga natitirang ticket.
Darating din si Justin Bieber at marami pang ibang naka-line up.
Bongga ang mga naka-schedule na concert.
* * *
Naglabas ang YouTube ng listahan ng most popular videos of all time.
Sa kanilang latest update – as of January 2, nanatiling number 1 si Justine Bieber (Baby).
Narito ang kumpleto nilang listahan:
1. Justin Bieber – Baby - 424,988,898 views
2. Lady Gaga – Bad Romance - 326,832,779 views
3. Shakira – Waka Waka (This Time for Africa) - 270,074,683 views
4. Charlie Bit My Finger – Again! - 265,287,915 views
5. Eminem – Love The Way You Lie ft. Rihanna - 251,180,977 views
6. Justin Bieber – One Time - 204,617,511 views
7. Miley Cyrus – Party In The U.S.A. – 183,604,889 views
8. Eminem – Not Afraid; 177,431,525 views
9. Evolution of Dance -160,425,230 views
10. Pitbull – I Know You Want Me (Calle Ocho) - 158,334,771 views
Unang naglabas ang YouTube ng listahan noong 2007.