Bangayan sa MMFF tuloy pa rin!

Back to normal ang showbiz dahil nag-resume na uli ang mga taping ng mga TV show, uso na uli ang presscon at kahapon, nag-taping na kami para sa Season 5 ng Tweetbiz.

Ang solo presscon ni Annabelle Rama para kay Ogie Alcasid ang buwena mano sa 2011. Si Annabelle ang produ ng Valentine show na tatampukan nina Pops Fernandez at Ogie sa February 12 sa Crowne Plaza Hotel.

Naunang nagkaroon ng solo presscon si Pops noong December dahil busy si Ogie sa paghahanda sa kasal nila ni Re­gine Velasquez sa Na­sug­bu, Batangas.

Nairaos na ang biggest showbiz wedding ng 2010 kaya back to work na si Ogie at ang promo ng I Valentine U ang kanyang pinagkakaabalahan.

Si Regine ang special guest sa concert na hud­yat ng comeback ni Bisaya bilang concert producer.

* * *

Sa March pa ang airing ng Pagbabalik ni Captain Barbell dahil tatapusin muna ni Richard Gutierrez ang shooting ng Suddenly It’s Magic, ang kanyang Valentine movie na next month na ang playdate dahil sa isang buwan ang Valentine’s Day di ba?

Actually, naglalagare si Richard sa taping ng Captain Barbell at sa shooting ng Valentine movie. It’s a must na pagsabayin ang kanyang dalawang project para hindi siya magahol sa oras.

Kakaibang Captain Barbell ang mapapanood sa GMA 7 dahil magkakaroon si Richard ng superfriends at ilan sa kanila eh nakasama at naging kaibigan niya sa set ng Survivor Philippines sa Ranong, Thailand.

Kasisimula pa lamang ng 2011 pero fully-booked na si Richard hanggang sa katapusan ng taon. Ganyan ka-hectic ang kanyang schedule.

* * *

Matagal nang tapos ang awards night ng MMFF pero nagbabangayan pa rin ang fans dahil may kanya-kanya silang mga manok.

Ang nakakaloka, mas affected pa ang fans kesa sa mga artista na nakaranas ng kabiguan. Talagang todo emote sila sa pagtatanggol sa kanilang mga hinahangaan na artista na magandang senyales dahil involved na involved sila sa movie industry.

Wala ang movie industry kung wala ang fans na nagbabayad sa takilya at nanonood ng mga pelikula. Sila ang bumubuhay sa industriya ng pelikulang Pilipino at sa career ng mga artista.

Dapat pahalagahan ng mga artista ang ka­nilang mga tagahanga dahil katapusan na ng ka­nilang career kapag hindi na sila tinatangkilik ng fans!

* * *

Sobrang successful ang Ang Tanging Ina sa box-office at sa awards night ng MMFF kaya nagtatanong ang press at ang cast ng pelikula kung kailan sila magkakaroon ng thanksgiving party?

Siguro naman, hindi magpapatalbog ang Star Cinema sa mga produ ng Si Agimat at si Enteng Kabisote na maagap sa pagpapatawag ng thanksgiving party dahil sa suporta ng press people sa kanilang pelikula na number one sa box-office.

Humakot ng awards at datung ang pelikula ni AiAi delas Alas kaya marapat lang na bigyan siya ng importansya ng Star Cinema. Malaking bagay na number 2 sa box-office race ng MMFF ang kanilang pelikula ‘ha?

Show comments