MANILA, Philippines - Simula ngayong unang Lunes ng 2011 (Enero 3), mapapanood na sa GMA primetime ang No. 1 Koreanovela ng 2010, ang The Baker King.
Bukod sa ipinagmamalaking kuwento ng The Baker King, umani rin ito ng mataas na ratings sa Korea na umabot sa 50.8% at may average na 38.6% nationwide.
Ang The Baker King ay tungkol sa magkapatid na Kim Tak Gu at Matthew (Gu Ma Jun) na naglalaban para manguna sa baking industry.
Dahil sa talento sa baking, si Tak Gu na anak sa labas ang inaasahang mamahala sa baking empire ng ama ngunit hindi ito matutuloy dahil sa inggit at selos. Sa kabila nito, mag-isang itataguyod ni Tak Gu ang kanyang baking career at kakalabanin naman siya ng half-brother na si Matthew.
Gagawin lahat ni Matthew ang paraan upang maagaw sa kapatid ang pamumuno sa kumpanya ng ama ngunit makakaharap niya ang kaliwa’t kanang problema.
Maging inspired sa kuwentong ito tungkol sa pag-abot ng pangarap sa kabila ng mga hadlang sa buhay.
Abangan ang The Baker King tuwing Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Beauty Queen sa GMA 7.