Ruffa at John Lloyd nagkabati na

MANILA, Philippines - Inamin ni Ruffa Gutierrez na nagkausap at nagkabati na sila ng dati niyang nobyong si John Lloyd Cruz.

Ayaw nga lang sabihin ni Ruffa kung paano sila nagkita at nag-usap ni John Lloyd pero binanggit niya na nakaka-move on na siya.

 Sa Boracay sinalubong ng beauty queen-TV host-actress ang taong 2011.

Kasabay nito, sinabi ng aktres na gagawin niyang prayoridad ang kanyang pamilya sa taong ito.

 Nais niyang tutukan at asikasuhin ang pagiging ina sa kanyang mga anak na sina Lorin at Venice.

 “Ang bilis nilang lumaki. Talagang mommy na mommy na ako,” sabi pa niya.

Idinagdag ni Ruffa na nakipagkasundo na siya kay John Lloyd hinggil sa anumang naging hidwaan nila noon.

“Bati na kami ha? Don’t ask how…basta bati na kami, and I heard he always says good things about me,” sabi pa ng aktres.

Umaasa rin si Ruffa na maaayos din kinalaunan ang pinagkagalitan nila ng dati niyang The Buzz co-host na si Kris Aquino.

“In time siguro, she’s a good person naman. I’m hoping na maayos,” sabi ni Ruffa. “Wala naman akong kaaway, you know me.”

Show comments