MANILA, Philippines - Nanalo ang tandem nina Raffy Tima at Mariz Umali laban sa magkakaparehang sina Cesar Montano at Sunshine Cruz at Ervic Vijandre at Heart Evangelista noong Biyernes, Dec. 31, sa finale ng Puso ng Pasko Artista Challenge ng GMA 7.
Pinaglabanan ng mga Kapuso stars ang mahigit na P5 million in cash and prizes para sa kanilang partner family at partner community.
Cash at mga prizes tulad ng motorcycles, scholarships, kabuhayan showcase na nagkakahalaga ng P150,000 at libu-libong mga regalo para sa isang buong komunidad ang naipamigay na sa pinakamalaki, pinaka-exciting, at pinaka-nakakataba ng pusong paraan para magpasalamat sa mga taong marami nang natulungan.
Pinili ng mga celebrity challengers ang kanilang partner families mula sa daan-daang entries na binubuo ng mga “most deserving” families, o yung mga pamilyang nakatulong ng malaki sa kanilang komunidad.
Nagsilbing hosts sina Vicky Morales at Richard Gutierrez at challenge hosts naman sina Rhian Ramos at Drew Arellano.