Executive Producer ng Rosario ipagtatanggol sina Jennylyn at Albert

Invited ako sa presscon ni Bong Sta. Maria noong Huwebes pero hindi ako nagpunta. The who si Bong? Siya ang executive producer ng Rosario at nagpatawag siya ng presscon para sabihin ang kanilang panig tungkol sa non-nomination nina Jennylyn Mercado at Albert Martinez sa best actress at best director categories, respectively.

Pamilyar si Bong sa mga nanood ng Rosario dahil may special participation siya sa pelikula. Ang sey ni Bong, hindi nila kinukuwestiyon ang desisyon ng mga hurado. Nagtataka lamang sila dahil hindi mga nominado sina Albert at Jennylyn.

Isasali ni Bong sa mga international filmfests ang Rosario at kapag nag-win ito sa abroad, vindicated sila sa pang-iisnab ng Metro Manila Film Festival (MMFF) jurors sa kanilang pelikula.

Loyal na aktres titigbakin na sa kaisa-isang show

Hindi yata maganda ang pasok ng 2011 para sa isang aktres dahil balitang-balita na mawawala na siya sa TV show na kinabibilangan.

Imposibleng hindi malungkot ang aktres dahil one and only show niya ’yon at naging loyal pa siya. Napamahal na rin sa kanya ang mga kasamahan niya sa trabaho, pati na ang production staff.

Melai sinunog ang picture ni Mr. Fu!

Absent kahapon si Ruffa Gutierrez sa Paparazzi dahil nagbabakasyon pa sila ng kanyang pamilya sa Boracay.

Si Mr. Fu ang nag-pinch hit kay Ruffa. Si Mr. Fu na naloloka dahil sinunog ni Melai Cantiveros ang kanyang picture. Imbiyerna kay Melai ang mga fans at supporters ni Mr. Fu dahil sa kanyang ginawa.

Paliitan ng gamit kay Dwarfina

May contest ang GMA 7 sa grand presscon ng Dwarfina. May matatanggap na premyo ang reporter na makapagdadala ng pinakamaliit na libro, susi, at kung anik-anik pa na smallest ang size.

Ang Dwarfina ang new primetime show ng GMA7 na magsisimula sa darating na Lunes at tinatampukan nina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Mga nakakasawang hula

Visible na visible kahapon sa mga showbiz talk shows ang mga manghuhula at feng shui experts.

Kanya-kanya sila ng mga hula sa mga artista. May mga magkakahiwalay, may mabubuntis. May mananalo ng award at kung anik-anik pa.

Sa tagal ko sa showbiz, hindi na ako na-excite sa mga hula na narinig at napanood ko dahil ’yun din ang mga prediction noong mga nagdaang taon. Ang difference lang, ibang mga artista ang involved.

Kapag tumama ang mga hula, sasabihin nila na nagkatotoo ang kanilang mga prediction pero kapag pumalpak, quiet na lamang sila.

Show comments