MANILA, Philippines - Sasalubungin ng GMA 7 ang bagong taon sa pamamagitan ng isang engrandeng selebrasyon sa 2010 To 2011: The GMA New Year Countdown sa Seaside Boulevard, Pasay City ngayong Biyernes, Disyembre 31.
Mag-uumpisa ang party sa isang maningning na parada ng mga Kapuso stars at isang fireworks display. Susundan ito ng isang dance number mula sa Starstruck discoveries na sila Aljur Abrenica, Mark Herras, Paulo Avelino, Enzo Pineda, Rocco Nacino at Steven Silva kasama ang magagaling na Kapuso singers.
Siguradong may wow factor rin ang performances mula sa The Great American Circus, GMA Tween Royalties, Sexbomb dancers, Kamikazee at marami pang iba!
Bukod sa performances, makikipag-bonding ang Kapuso stars sa kanilang fans at TV viewers sa games at surprises na sadyang pinaghandaan para mapasaya ang lahat.
Tampok din ang greetings ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang parte ng mundo via GMA Pinoy TV.
May miyembro pa ng audience na papalaring matawagan at makausap ang kanyang loved ones abroad!
Siguradong masaya at walang tulugan ang gabi kasama sina Kuya Germs, Janno Gibbs, Gabby Eigenmann, KC Montero at DJ Rico Robles bilang mga host ng nasabing event.
Mag-uumpisa ang Parade of Lights and Stars sa ganap na 8:00 p.m. at 10:45 p.m. naman ang show na may live telecast sa GMA 7.