Mababa ang immune system, Dolphy hindi na puwedeng magkasakit
Naging kontrobersiyal ang pelikulang Father Jejemon ni Mang Dolphy dahil sa ilang maseselang eksena na tinanggal din naman bago ito maipalabas sa mga sinehan. Nakuha ni Mang Dolphy ang best actor award para sa nasabing pelikula. Siya rin ang nakakuha ng best supporting actor award para naman sa pelikulang Rosario. Masayang-masaya ang anak ni Mang Dolphy na si Epi Quizon para sa tagumpay na tinamo ng kanyang ama.
“I’m happy that he won. He won because he deserves it. Kung mapapanood mo ’yung film I think he gave justice to the role, very effective sa kanyang mga drama scenes sa Father Jejemon. I think he has done his part by deleting the scenes in the movie. I also believe he has apologized to the people he has offended already. I think it’s the time for us to forgive and forget,” pahayag ni Epi. Ipinaliwanag din ng aktor kung bakit hindi nakadalo ang ama sa Gabi ng Parangal noong Linggo.
“Ngayon lang talaga na mababa ’yung immune system niya kaya hindi siya naglalalabas, pinagbawalan siya ng doktor na maglalalabas. Bawal siya magkasakit dahil mababa ’yung immune system niya. ’Di siya nakapaglibot sa promotions kasi nga ay mahina ’yung pulmonary system niya,” kuwento pa ni Epi.
Gusto na rin ng kanilang pamilya na mag-retire na sa showbiz ang Hari ng Komedya.
“Kami mismong mga anak ang nagsabi na dapat lang mag-retire na siya. He is 82 years old, of course siya, gusto pa rin niyang mag-trabaho. May mga tinatapos siyang kontrata. Kami na mismo ang nagsabi na mag-lie low muna siya at magpahinga muna,” paliwanag ni Epi.
Rayver nakipag-bonding sa pamilya ni Cristine
Mukhang natapos na ang issue sa pagitan nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes, ayon ito sa nakatatandang kapatid ni Cristine na si Ara Mina.
“I think tinapos na ng dalawang kampo,” bungad ni Ara.
Kinausap ni Ara si Cristine nang puso sa puso tungkol sa issue at naintindihan naman niya ang naging paraan ni Cristine nang maglabas ito ng sama ng loob sa Twitter. “’Di rin naman magkakaganoon ang tao kung walang pinanggagalingan, and silang tatlo nina Sarah at Rayver ang nakakaalam,” dagdag pa ni Ara.
Nai-share rin niya na masaya silang nag-celebrate ng Christmas kasama si Rayver Cruz, boto siya rito para sa kapatid. “Maliit pa lang ’yan (Rayver) kilala ko na ’yan so hindi naman siya nagbago, magalang pa rin up to now. Wala naman akong nakikitang masama, malinis naman ang intensiyon ng tao. Happy kami, nag-bonding kaming family,” kuwento pa ni Ara. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest