MANILA, Philippines - Mahigit limang milyong pamilyang Pilipino ang nangangailangan ng permanenteng matitirahan ayon sa National Housing Authority o NHA. Marami rin sa ating mga kababayan ang walang maayos na bahay.
Bakit nga ba may kakapusan sa bahay at may mga kakulangan sa mga programang pabahay na binibigay ng gobyerno? Ito ang sasagutin ni Julius Babao ngayong Huwebes (Dec. 30) sa Krusada sa ABS-CBN.
Noon pa man, krusada na ni Julius Babao ang matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng maayos na bahay sa pamamagitan ng iba’t ibang fund-raising projects. Sa tulong ng Gawad Kalinga, naging matagumpay ang mga ito at marami ang kanyang nabigyan ng panibagong-buhay.
Bago matapos ang taon, samahan si Julius Babao sa kanyang krusada na alamin ang tunay na kalagayan at panawagan ng ating mga kababayan at kung paano sila matutulungan na magkaroon ng disenteng matitirahan.
Makinig. Makisama. Makiisa sa Krusada pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.