Best episodes ng Life and Style ngayong Linggo

MANILA, Philippines - Bilang pagsalubong sa taong 2011, pumili ang QTV-11 celebrity talk show na Life and Style with Gandang Ricky Reyes ng mga katangi-tanging episodes na inilabas nung 2010.

Personal na paborito ni Mother Ricky ang PaperRoses na tampok ang mga senior citizen at modern day heroes at ang Save The Childhaus S project na nakatawag-pansin at pagtulong ng mga may ginintuang-puso at sikat na artista.

Naging paborito naman ng mga lalake ang Toys for the Big Boys at Father’s Day Special na ang na­ging guest ay sina Manny Villar at Gilberto Teodoro. Ang nagustuhan naman ng mga babae’y ang Wedding Day at Weighting Game.

Naiging hit din sa publiko ang Different ways to keep young body fit and sexy at ang mga trip ni Mader sa Baguio, La Union at Rizal.

Sa mga showbiz fans ay naging kasiya-siya ang on the set interview sa cast ng mga Kapuso prog­rams na Endless Love at Ilumina.

 “Happy Year 2011 sa lahat ng mga suki ng LSWGRR at nangangako kaming patuloy na magbibigay ng mga makabuluhan at nakakaaliw na panoorin,” sabi ni Mader RR.

Show comments