Balota at barilan pag-uusapan sa Dokumentado
MANILA, Philippines - Naging hudyat ang taong 2010 sa pagdating ng bagong TV5. Dahil sa tuluy-tuloy na paghahain ng matitinding pagbabago sa Philippine TV, hindi maikakaila na ang Kapatid Network na ang fastest-growing network sa bansa. Sa pagtatapos ng taon, maghahatid ang TV5 ng kumprehensibong yearend report upang balikan ang mga pinakamalalaking pangyayaring gumulantang sa 2010.
Papasadahan ng News5 ang pinakakontrobersiyal at pinakamalalaking balitang yumanig sa bansa sa Balota, Barilan at Iba Pang mga Bigating Balita: Dokumentado 2010 sa Disyembre 31, alas-9 n.g.
Sa pangunguna ni Ms. Luchi Cruz-Valdes, hihimayin ng buong puwersa ng News5 ang mahahalagang pangyayaring naganap nitong 2010. Kasama rin ang magigiting at pinagkakatiwalaang pangalan sa pagbabalita — Paolo Bediones, Erwin Tulfo, Martin Andanar, Raffy Tulfo, Cheryl Cosim, Cheri Mercado, Chiqui Roa–Puno, Amelyn Veloso, Shawn Yao, at Jove Francisco — para idokumento ang mga balitang nagbigay-kulay sa taong 2010.
Ipapalabas ang Balota, Barilan at iba pang mga Bigating Balita: Dokumentado 2010 sa New Year’s Eve, Disyembre 31, pagkatapos ng LokomokoU (pre-empting Wow Meganon?! at My Driver Sweet Lover) at susundan naman ng live news coverage at 2011 countdown sa Aksyon Journalismo, 11:15 n.g. Sa pakikipagtulungan sa Mama Mary Movement, ipapalabas din sa TV5 ang New Year’s Mass (pre-empting Jojo A. All the Way) ng 12:15 n.u.
- Latest