^

PSN Showbiz

Akting ni Kris dinedma ng MMFF jurors

- Veronica R. Samio -

I’m sure, sa halip na makapagpahinga ay na-tensiyon pa si Mang Dolphy nang sabay na ma­na­­lo bilang best supporting actor at best actor sa ginanap na 36th Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night nung Linggo ng gabi sa Me­ralco Theater. Ito naman ay kung napanood niya ang naging kaganapan sa nasabing event na medyo malalim na ang gabi nang umere sa GMA7.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na may ka­ram­­­daman ang aktor at pinagpapahinga kaya hin­di masyadong nakapag-promote ng kanyang pe­li­kula at lalong hindi nakadalo sa Gabi ng Pa­rangal.

Hindi sa iisang pelikula nanalo ang hari ng komedya kundi sa dalawang pelikula na magkaiba ang tema, ang isa ay drama (best supporting actor, Rosario) at ang ikalawa ay comedy (best actor, Father Jejemon).

Mukhang nangulelat sa awards ang dalawang horror-suspense-thriller films (Shake Rattle & Roll 12, Dalaw). Hindi lang ito, Kris Aquino was not even nominated for best actress. It would have been a big disappointment on her part kung siya lamang ang parang na-miss ng mga jurors kundi maging ang hinulaang maging best actress na si Jennylyn Mercado para sa napakaganda niyang performance sa Rosario. Sana lang magpatuloy ang magandang showing sa takilya ng dalawang nakakatakot na pelikula. Ito man lamang ay magbigay ng inspirasyon sa mga nagprodyus ng peli­kula para gumawa pang muli ng pelikula para sa industriya.

Nami-miss ko ’yung mga nakaraang awards night na kung saan naka-Filipino dress lahat ng attendees. Pista ito ng pelikulang Pilipino kaya da­pat lang ay naka-Barong Tagalog ang mga lala­ki at naka-Filipiniana ang mga babae. Dapat din wikang Filipino (Tagalog) ang pinaiiral sa mga ganitong pagtitipon, sa mga scripts na ginagamit, at sa mga pagpapasalamat ng mga nanalo.

Ano kaya ang reaksiyon ni Mother Lily Monteverde na sa ha­lip na Super In­day and the Golden Bibe ay Super Inday and the Magic Bi­be ang palaging sinasabing titu­lo ng isa sa mga kasali niyang pelikula?

Akala ko ay si Ruffa Gutierrez ang tatanghaling Best Dressed Female of the Night until tinawag si Jennylyn Mercado na hindi naman nakakahiyang manalo at hindi pahuhuli sa ganda sa ate nina Richard at Raymond Gutierrez, silang dalawa ni Dennis Trillo ang Best Dressed Couple of the Night.

Isang “Why Me?” ang naging katanu­ngan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. nang manalo silang Faces of the Night ni Sam Pinto.

Akala ko rin ay nasa US pa si Amanda Page kaya nagulat ako nang tawagin ang pangalan niya bilang isa sa mga performers. Ang galing ng dance number ni Amanda at bagay sa kanya ang bago niyang hairstyle. Gumanda siyang lalo. Siya pala ’yung sinasabing dance diva from the States na pupunta rito para lang sa nasabing okasyon.

Nakapagtatakang wala rin sa listahan ng mga nominees for best director si Albert Martinez. Buti na lang tinawag siya sa stage ng producer ng Ro­sario when the film won the Gatpuno Cultural Award and the 2nd best picture. Nakakatawang dalawang best picture ca­te­gories ang pinanalunan ng pelikula pero hindi man lang nominado ang direktor nila?

Napili namang best indie film ang Presa ni Adolf Alix, Jr.

* * *

At least walang fans na nagsasabing sasaktan siya o papatayin o sasabugan ng asido ngayong si Zanjoe Marudo ang steady date ni Bea Alonzo.

Ilang ulit nang nakikitang magkasama sa lakaran ang dalawa at hindi naman nila ito itinatago. Hindi sila kapareho ng ibang mga artista na nagdi-date pero umiiwas makita ng mga tao. Dumadaan sa mga lugar na kakaunti ang makakasalubong nila at pumupunta rin sa mga lugar na hindi puntahan ng marami.

Nakakatakot nga naman sa parte ni Bea na si­ni­sisi at pinagagalitan ng mga fans dahilan sa siya ang nagustuhan ni Gerald Anderson na ma­karelasyong tunay kumpara sa relasyon nito kay Kim Chiu na alam naman nating pang-love­team lamang. Kaya hindi sila nagtagal ng aktor.

Biruin mo nga naman, para masira ang muk­ha mo at mawalan ka ng career dahil lamang sa hindi ka feel ng mga fans ng nanliligaw sa iyo, aba eh sa kanila na lamang ang idolo nila! Tutal ’yang pag-ibig naman ay napag-aaralan.

* * *

Kawawang P-Noy, pati simbahan nakikialam na sa kanyang love life. Aba eh hindi naman siya pari na kailangang maging single o celibate at nasa edad na siya para mag-asawa. Bakit naman siya pipigilan ng simbahan na humanap ng kanyang makakatuwang sa buhay. Siya lang naman ang binatang nahalal na presidente. Lahat ng mga nauna sa kanya, mapababae man o lalaki ay may asawang lahat. Hindi naman nakabawas sa kanilang pagiging isang effective president ang kanilang mga asawa. Bagkus nakatulong pa sa pamamalakad nila ng gobyerno ang mga asawa nila. So, why deprive P-Noy of the same privilege?

ADOLF ALIX

ALBERT MARTINEZ

AMANDA PAGE

BEST

JENNYLYN MERCADO

NAMAN

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with