Kimerald hindi kaya ang fans ni Sarah

Tsutsugihin din pala ang Pilipinas Win na Win, bakit isinabay pa sa pagsasara ng taon? Bakit hindi na lamang ginawa ng mas maaga pa, para naman ang Bagong Taon ng Hitmakers, Rico J. Puno, Nonoy Zuñiga, Marco Sison, at Rey Valera ay maging masaya naman. Sa pag-alis nila sa Dec. 31, isang malungkot na New Year’s Eve ang maaasahan natin.

Well, talagang ganyan ang buhay. You win some, you lose some. Sa ikli naman ng stint nila bilang Kapamilya, marami namang napasaya ang apat. At least they did their best.

*    *    *

Aba, makatapos ng kanyang matagumpay na paglabas sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote na kung saan ay lumabas siyang anak ni Sam Pinto, si Richard Gutierrez naman ang makakasama ni Jillian Ward sa susunod nitong serye sa Kapuso Network, ang Captain Barbell.

Going places talaga ang talented child na ito. In such a short time, ang dami na niyang na-achieve. Kilala na siya saan man siya magpunta at very lovable siya. Suwerte ni JoeBar na ma-discover siya!

*    *    *

Kung nakakayang i-hassle ng mga Kimerald fans ang sinuman na itambal sa kanilang mga idolong sina Gerald Anderson at Kim Chiu, sige nga subukan nila ito kay Sarah Geronimo. Ewan ko lang kung saan sila pupulutin.

Kilalang tahimik si Sarah pero ma­rami itong fans na hindi papayag na apihin si Sarah. Kung mara­ming Kimerald, marami ring Sarah fanatics at dadaan kayo sa ibabaw ng kanilang bangkay bago n’yo makanti ang kanilang idolo. Pero magtatanggol lang sila at hindi magsisimula ng anumang gulo.

*    *    *

Dolphy, namamaalam na sa paggawa ng pelikula? Huwag naman, marami ang makaka-miss sa iyo. Kung dahilan man ang naging kaganapan sa Father Jejemon at ang violent reaction ng ilang tao, I repeat ng iilang tao, huwag mo nang pansinin ’yun.

Tanggapin mo na lang na may pagkakamaling naganap pero hindi ’yun sinasadya. Maiintindihan ka naman ng lahat. Huwag mo naman itong gawing dahilan para mag-retire na ngayon.

Marami ka pang magagawa. Marami ka pang mapapasaya. Kahit sa TV, manatili ka, please lang huwag kang tumigil hangga’t kaya mo.

Show comments