Prediction lang ha AiAi best actress, Bong best actor Dolphy best supporting actor!

Ilang linggo ko nang nababasa sa mga diyaryo ang pangarap ni AiAi delas Alas na mapanalunan ang best actress award ng Metro Manila Film Festival kaya para maging maligaya siya, si AiAi ang bet ko na mag-win ng best actress trophy para sa role niya sa Ang Tanging Ina Mo!

Si Mang Dolphy ang type ko na manalo ng best supporting actor trophy dahil pinupuri ang acting niya sa Rosario.

Obvious ba na gusto ko na si Bong Revilla, Jr. ang makakuha ng best actor trophy?

Hindi ko na sasabihin ang mga hinuhulaan ko na mananalo sa best picture at best director categories dahil baka tumama ang mga prediction ko. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng isyu na may naganap na scam no?

Agimat nangunguna agad

Hindi ako nagulat sa mga early report na nangunguna sa MMFF box-office race ang Si Agimat at si Enteng Kabisote nina Bong at Vic Sotto.

Nang i-announce noon na gagawa ng pelikula sina Bong at Bossing para sa MMFF, alam na kaagad ng mga industry insider at authority na gagawa ang dalawa ng history sa box-office.

Pinatunayan din nina Bong at Vic na hindi totoo ang paniniwala na mahina sa takilya ang mga pelikula na pinagbibidahan ng mga superstar.

At dahil pinipilahan sa mga sinehan ang Si Agimat at si Enteng Kabisote, naghihintay na ako ng text para sa victory party ng number one movie ng 36th MMFF.

Jinkee siyam ang bag na kalahating milyon ang halaga ng isa

Sosyal na sosyal ang fashion pictorial ni Jinkee Pacquiao sa January 2011 issue ng YES! Magazine dahil pumayag siya na makunan ng litrato ang koleksyon niya ng mga mamahaling bag, damit, at sapatos.

Siyam lang naman ang Hermes bags ni Jinkee. Kayo na ang mag-compute sa halaga ng mga bag ni Jinkee na hindi bababa sa kalahating milyon ang pres­yo ng bawat isa.

Kadramahan ng Buhay NI Shalani Malayo kay Kris

Back-to-back ang article ng YES! kina Jinkee at Shalani Soledad.

Ang interbyu kay Shalani ang ikinuwento ko noon na nagpaiyak kay Jo-Ann Maglipon.

Naluha si Mama Jo-Ann nang magkuwento si Shalani tungkol sa first time na pagkikita nila ng kanyang estranged father na si Adi Aguirre.

Agree si Mama Jo-Ann sa aking opinyon na pang-Maalala Mo Kaya ang life story ni Shalani.

Punum-puno ng drama ang buhay ni Shalani. Malayung-malayo ang drama ng kanyang buhay sa mga kadramahan ng buhay ni Kris Aquino.

Show comments