Mano Po naka-ka-miss sa MMFF

MANILA, Philippines – Anim na sa pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival ang napanood ko. RPG at Father Jejemon lang ang nanghihinayang ako at hindi ko napanood - Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To, Dalaw, Shake, Rattle and Roll, Super Inday and the Super Bibe, and Ang Agimat at si Enteng Kabisote.

Ang RPG dahil maaga silang nagpa-review. Sila ang kauna-unahan natapos sa walong pelikulang ipalalabas sa mga sinehan ngayong araw. Ang Father Jejemon hindi namin alam ang rason kung bakit hindi nagpa-review sa Cinema Evaluation Board (CEB). Nakahihinayang dahil sa trailer, nakakatawa ang pelikula.

Pero ang nakakataka, walang drama sa walong pelikula except for Rosario na isang period movie. Comedy, horror, at fantasy ang genre ng mga pelikulang kasali.

Ang labanan ngayon ay ang production. Grabe ginastusan ng husto ang Rosario at maging ang Agimat na na-capture ang ganda ng Tanay, Rizal.

Nakaka-miss tuloy ang Mano Po. Bakit ba tinigilan na ‘yun ni Mother Lily Monterverde ng Regal Films?

Anyway, sa pitong pelikulang dalawa lang ang naka-A at dalawa ang naka-B.

***

Nagmistulang little Manila ang Randwick Pavillion sa Sydney, Australia, kamakailan, matapos itong dumugin ng higit sa 3,000 Pinoy na dumalo sa Kapamilya World Fiesta na handog ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG), tampok ang pinakapinag-uusapang Kapamilya stars na sina Gabby Concepcion, Derek Ramsay, Angelica Panganiban, at Diether Ocampo.

Para kay Dennis Padilla, ang host ng pinakamalaking festivity sa Australia, ang Kapamilya World Fiesta sa Sydney isa na naman Iitong di-matatawarang tagumpay ng RNG. Si Padilla rin ang regular host ng Kapamilya Karavans na nakikipiyesta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

“Saan mang sulok ng mundo, kitang-kita na tayong mga Pilipino ay talaga namang masiyahin at mahilig sa mga selebrasyon tulad ng fiesta. Kaya’t nakakatuwang isipin na kahit na nasa Australia na naninirahan ang ilan sa ating mga kababayan, nananaig pa rin ang Filipino spirit sa kanila. Sa sobrang dami ng dumalo, pakiramdam ko parang nasa Pilipinas lang ako,” ani Padilla.

Hindi naman maipaliwanag ni Angelica ang feeling matapos ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayang Pinoy. Walang-humpay din ang hiyaw ng mga manonood sa nakakakilig na tandem ng dalaga sa real-life sweetheart nitong si Derek Ramsay.

“Parang kailan lang nung nasa Kadayawan festival kami ni Derek. Ngayon nasa Australia na kami. Bongga! Siyempre, sobrang flattering talaga na marami palang tagarito ang sumusuporta sa amin. Kung gaano sila kinikilig sa love team namin, ganun din ako kinikilig na maka-bonding si Derek. Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Angelica.

Hiling naman ni Diet na makapag-perform muli sa Australia. Aniya, lubos na kahanga-hanga ang hospitality ng mga Pilipino roon.

    “They are very accommodating of us, just as hospitable as we are in the Philippines.“Ito’y isang lugar na masarap mag-perform.” (SVA

Show comments