Kristine at Oyo may good karma
Akala ko totoong may anak na hindi batid ng publiko sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa. ‘Yun pala mayroon din silang ampon na sanggol na babae na makakasama nila sa pagsisimula ng kanilang buhay may asawa.
Aba hindi masama, may good karma ito kasi - binabawasan nila ang maraming bata na walang kinikilalang magulang sa mundo. O ‘di ba magandang pagsisimula ito? Hindi pa man sila nakakasal may magandang bendisyon na sila. Sana marami pang katulad nila ang mag-ampon ng mga bata, para mabawasan ang mga kapuspalad na inabandona ng kanilang magulang. Kung bawat isang mayaman ay tatangkilik ng isang bata, aba maraming bata ang lalaking may magandang buhay.
***
Pasko na! Maligayang Pasko. Sana maganda ang araw na ito ng kapanganakan ni Hesus. Wala naman sa rami ng pera ang pagiging masaya ng Pasko. Kahit noodles lang basta magkakasama ang mag-anak okay lang. Sana kahit paano may mapagsasaluhan kayo. Kung wala, go kayo at mamasko sa iba.
Marami ang nagbibigay kapag Pasko, samantalahin n’yo ito. Baka bukas hindi na sila generous. But spend your money wisely. Mahirap ,kumita ng pera.
***
Grabe naman! Nagpapabili sana ako ng pata ng hamon. Pumunta sa isang kilalang tindahan ang maid of honor ko, aba bumalik na walang bitbit. Ang haba raw ng pila, magtiyaga na lang daw kami sa nabibili sa supermarket. Bumawi na lang daw kami sa bagong taon. Ganun?!
Nagkalat hindi lang ang hamon sa Quiapo, pati keso de bola, kastanyas pati itlog na maalat at manggang hinog na sobrang mahal naman. Sa Quiapo, ang gaganda rin ng tsiko at iba pang prutas, ‘yun nga lang very expenssive. Pero ang gulay mura, sayote, talong, sibuyas, bawang, upo, kalabasa pati cauliflower, at mga panghalo sa chopsuey, diningdeng at pinakbet.
‘Yun nga lang siksikan. Kung hindi ka maingat, may mauuna na sa dala mong pambili. Pero kung gusto mo ng masarap na pagkain, sa murang halaga lamang, go kayo sa Quiapo.
***
Bukas, balik tayo sa normal nating pamumuhay. Pero aabangan natin ang MMFF awards night. Ang resulta nito ay magbabago sa takbo ng palabas ng mga pelikula sa sinehan. Kaya marami ring prodyuser ang nangangarap magka-awards. Para mas lumakas pa ang pelikula nila. At ‘yung mga hindi pinipilahan, baka kapag nanalo sila ng awards ay maging interesado ang manonood na panoorin ang pelikula nila. Sana nga.
- Latest