Float ng Jejemon, nilagyan ng aircon para kay Dolphy

SEEN : Ngayon ang opisyal na pag-uumpisa ng 36th Metro Manila Film Festival sa buong kapuluan. Dapat palitan ang pangalan ng filmfest dahil nationwide na ito at hindi lamang sa Metro Manila.

 SCENE : Masaya ang Pasko ng mga artista ng TV5 dahil lahat sila ay tumanggap ng one month bonus mula sa management.

 SEEN : Ang replica ng ferris wheel sa float ng Rosario dahil naging Carnival Queen noong 1926 ang papel na ginampanan ni Jennylyn Mercado.

 SCENE : Palpak ang report ni MJ Marfori ng TV5 dahil tinawag niya na Reyna ng Peryahan si Rosario. Magkaiba ang perya sa Carnival Queen. Hindi nagre-research si MJ dahil siya rin ang nag-report noon na kuya ni Albert Martinez ang nakatatandang kapatid na si William.

 SEEN : Airconditioned at may kuwarto na pahingahan ang float ng Father Jejemon dahil sa health condition ni Dolphy na ayaw biguin ang kanyang fans na nanood ng Parade of Stars.

 SCENE : Parang sinabunutan ang mga bisita sa kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez dahil sa malakas na hangin.

 SEEN : May mga nabababawan sa paliwanag na wardrobe malfunction ang dahilan ng no-show ni Sharon Cuneta sa kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

 SCENE : Hindi pa bumabalik si Pinky Webb sa Umagang Kay Ganda mula nang lumaya sa kulungan ang kanyang kapatid na si Hubert.

Show comments