PWNW, goodbye na sa ere

MANILA, Philippines –  “Ang huling episode ng Pilipinas Win na Win ay sa December 31, 2010 na. Pinasasa­lamatan ng ABS-CBN ang Hitmakers at sina Valerie Concepcion, K Brosas, at Pokwang, ang production staff at higit sa lahat, ang mga manonood na tumatangkilik sa programa. Ang oras na iiwan ng PWNW ay pansamantalang sasakupin ng Showtime na patuloy na magbibigay saya at pag-asa sa mga Pilipino sa buong mundo,” text message mula kay Mr. Bong Osorio, head of Corporate Communications ng ABS-CBN Corporation.

Ibig sabihin magiging malungkot ang pasok ng bagong taon kina Rico Puno, Nonoy Zuñiga, Marco Sison, at Rey Valera dahil pagtungtong ng Enero 1, wala na sila sa ere.

Wala pang advice ang ABS-CBN kung anong programa ang ipapalit pero sigurado na pahahabain muna an Showtime para punuan ang mababakanteng oras ng PWNW.

Show comments