Hindi happy ang fans ni Manny Pacquiao dahil si Shane Mosley ang makakalaban niya sa May 2011.
Ang buong akala ng fans ng Pambansang Kamao, matutuloy na ang boxing match nila ni Floyd Mayweather, Jr. kaya disappointed sila dahil ibang boksingero ang makakalaban ni Pacquiao sa Las Vegas.
Kung nalungkot ang ibang fans ni Pacquiao, may mga natuwa naman dahil gaganapin sa Las Vegas ang laban nila ni Mosley. Maraming Pilipino ang makakapanood dahil mas madaling puntahan ang Las Vegas kesa Arlington, Texas.
James at Isabel lumang issue na
Luma na ang tsismis tungkol kina James Yap at Isabel Oli pero naungkat ito dahil sa pagdalo ni Isabel sa presscon ng Rosario.
Kasali si Isabel sa cast ng filmfest entry ng Cinemabuhay kaya visible siya sa showbiz scene.
Consistent ang explanation ni Isabel. May iba siyang kasama nang magkita sila ni James. Nagkataon daw na sila ang kilala ng mga tao na naka-sight sa kanila kaya natsismis sila sa isa’t isa.
pangalan ni Albert binaliktad sa logo!
Napansin ko na encircled ang mga letrang M at A sa logo ng Cinemabuhay, ang produ ng Rosario.
Si Albert Martinez ang direktor ng Rosario kaya inisip ko na baka pinagbaligtad na initials niya ang mga letter M at A sa logo ng Cinemabuhay.
Ang Rosario ang pinakamagastos at pinakamalaki na debut movie ng isang direktor. Narinig ko ang balita na umabot sa P100 million ang budget ng Rosario pero walang confirmation o denial mula sa
Ogie at Regine pinakamaligaya ngayong pasko
Si Ogie Alcasid ang happiest guy ngayong Pasko dahil kumpletong-kumpleto ang kanyang pamilya.
Kasal na sila ni Regine Velasquez, naririto sa Pilipinas ang kanyang mga anak at ang ex-wife na si Michelle Van Eimeren at sama-sama sila na magdiriwang ng Pasko.
Napaiyak sina Ogie at Regine habang ikinakasal sila dahil sa nag-uumapaw na happiness. Pangarap ng bawat babae na maikasal sa lalake na kanilang pinakamamahal kaya maligayang-maligaya si Regine.
Dahil tapos na ang kasal, ang pagbubuntis ni Regine ang susunod na babantayan ng media. Naging tradisyon sa showbiz na abangan ang pagbubuntis ng mga aktres na nagpapakasal at pressure ito sa mga concerned na artista dahil paulit-ulit ang tanong sa kanila ng mga reporter.
Big news ng 2010
Kasali sa listahan ng big news sa showbiz ang pag-iisang dibdib nina Ogie at Regine, ang paghihiwalay nina Kris Aquino at James Yap, ang panganganak ni Judy Ann Santos, ang relasyon nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, ang paglipat ni Willie Revillame sa TV5, ang pagpasok ni Shalani Soledad sa showbiz, ang tagumpay sa pulitika ng mga artista na kumandidato at nag-win noong nakaraang eleksiyon,ang pagpanaw ng anak ni Cesar Montano, ang success nina Charice at Manny Pacquiao sa international scene.