Kasalang Ogie at Regine, bumaha ng luha!
MANILA, Philippines - Legal na ang pagiging mag-asawa nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Kahapon hindi naman nila naitago ang gusto nilang ilihim na kasalan dahil umpisa pa lang ng seremonya, marami nang update sa twitter.
Tulad nang nabalita noon, pula ang suot na gown ng songbird na simple lang. Gawa ni Monique Lhuillier ang nasabing gown at naka-coat and tie naman si Ogie.
Ginanap ang kasalan sa Terrazas de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas, bandang alas-tres ng hapon, at natapos halos alas-singko na ng hapon na sumakto sa paglubog ng araw ayon sa mga report ng mga kaibigan nilang celebrity sa twitter.
Nagsimula ang kasalan sa martsa ng bridal entourage na tinugtugan ng Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.
Hindi naman kita ang leather boots na suot ni Regine although ipinakita niya sa ilang photographer.
Kasama sa entourage ang kanyang alagang asong si George na naka-tuxedo at may sarili itong table sa reception.
Sinulat daw ng mag-asawa ang kani-kanilang wedding vows.
“I’ve never felt so happy all my life,” bahagi ng vow ni Regine.
“Bumabaha ang luha sa wedding nina Ogie & Regine!,” sabi ni Rajo Laurel. “The wedding vows were written themselves. Si Regine kumanta pa. Sarap pala ma-inlove!,” update ni Ruffa.
Kuwento pa niya : “The whole world is here including Pres. Noynoy. The bride is in a white Benz. Fantastic view...beautiful weather :) Bridal entourage walking.”
Sabi uli ni Rajo Laurel : “Grabe ang ganda ng vows!!! Naiyak ako! Grabe!!!”
Samantala, nagkaroon naman ng malfunction ang damit ni Dr. Vicki Belo kaya hindi siya nakalakad as ninang. Uh oh. Had a wardrobe malfunction in my Monique Lhuillier wasn’t able to walk as ninang,” say ni Dr. Belo.
- Latest