^

PSN Showbiz

Manager ni Aga walang alam sa paglipat niya sa TV5

- Veronica R. Samio -

Isang magandang Pasko ang inihandog ni Dingdong Dantes sa isang batang may sakit na hydrocephalus nang dumalaw siya sa V Luna Hospital kamakailan. Sasagutin niya ang pagpapagamot nito hanggang sa ito ay gumaling, gaano man ito katagal abutin.

This is the gift of life from the ambassador, role model and spokesperson for the youth ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) na ginagawa niya sa pangalan ng isang kaibigan na binigyan niya ng regalo pero minarapat na ipagkaloob niya ito sa isang mas nangangailangan. Sinabi ni Dingdong na hindi galing sa kanya ang regalo kundi sa isang tao na binigyan niya ng regalo pero ibinigay naman sa iba.

Paulit-ulit na sinasabi ng aktor na wala siyang political ambition sa ginagawa niyang pagtulong.

* * *

Kahit wala pang pormal na reklamo na isinampa ang sinuman sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB), agad nang umaksiyon ang chairman ng nasabing ahensiya ng gobyerno na si Grace Poe Llamanzares. Ipapa-review niyang muli ang Father Jejemon na isa sa mga kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na prinodyus at tinatampukan ni Dolphy.

Kung mapatunayan nitong may basehan ang mga umuugong na balitang nakakasirang puri ito sa simbahang Katoliko kahit nag-sorry na si Dolphy dahil ginawang katatawanan ang isang Sakramento na banal sa mga Katoliko, ipatatanggal niya ang mga nasabing eksena. Pero kasabay nito ang pakiusap na huwag namang iboycott ang pelikula dahil naniniwala siyang hindi sina­sadya at walang intensiyon si Dolphy na makasakit sa simbahan at sa mga katulad niyang Katoliko. Pero bago pa dumaan ang pelikula niya sa ikalawang review ay nagpasya na si Dolphy at ZsaZsa Padilla na sila na mismo ang mag-alis ng mga eksena na inirereklamo.

* * *

Malaking kapalpakan ‘yung nangyaring hindi pagtawag kay MTRCB Chairman Grace Poe Llamanzares para magprisinta ng FPJ Memorial Award kay Ronnie Ricketts na siyang recipient this year. Sa halip, kay Lovi Poe nila ipina­bigay ang award na feel ng lahat ay isang maliwanag na pambabastos sa MTRCB Chairman.

Mas maganda pa sana ang nangyari kung pareho na lamang pinaakyat ng stage ang dalawang anak ni FPJ para siyang magbigay ng trophy kay Ronnie. Hindi naman siguro tatanggi ang chairman na makasama sa pagpiprisinta ng award si Lovi na dapat ay tumanggi at ipinasa ang pagiging presentor kay Chairman Llamanzares o kaya ay ipinatawag ito para sabay silang magprisinta ng award.

Hindi maaaring ipasa ng Famas ang kapalpakang ito sa nagprodyus ng kanilang awards night at sabihin na wala silang alam tungkol dito dahil lahat ng kaganapan sa kanilang affair ay dapat may approval sila o ang sinumang member na assigned na makipag-coordinate sa producer. Dapat magpaliwanag ang presidente ng FAMAS na si Mr. Eloy Padua.

* * *

Totoo ba Manay Ethel (Ramos, a showbiz journalist and Aga Muhlach’s talent manager) na nakipag-deal ang alaga mo sa TV5 without your knowledge?

Bakit, dahil ba hindi mo kayang ipaglihim ito, kung sakali, kaya hindi na niya sinabi sa iyo hangga’t walang malinaw na resulta ang negosasyon? Would you have been more loyal to ABS-CBN than to him kaya wa siya mention sa ‘yo? Tsk. Tsk. Tsk.

Ewan ko pero kung ako ‘yun, I would be hurt deeply, kahit gaano pa kalaki ang komisyon na tatanggapin niya from the deal with Kapatid Network. O baka, naman pinoprotektahan ka lamang niya, para hindi ka mapasama sa Dos?

Hindi na ako nagtataka pa na nag-decide lumipat si Aga dahil matagal na siyang hurt sa parang pagwawalang bahala sa kanya ng Kapamilya Network. Alam ko quiet lang siya pero hindi siya pabor sa pagpapalit-palit ng oras ng kanyang mga programa. Malaki ang epekto nito sa show. Gaano man ang effort nila na mapaganda ito, hindi naman ito nasusundan ng mga manonood dahil sa paiba-ibang oras nito, sayang lamang ang pagod nila.     

Hindi si Aga ang tipong magrereklamo, pero basa mo ang hinanakit niya kapag kausap mo siya, you just have to read between the lines.

Now, it’s definitely goodbye to ABS-CBN, and hello to TV5. Balita ko mas lumawak pa ang scope ng kanyang participation sa bago niyang network dahil hindi na lamang siya artista , producer pa rin siya.

AGA MUHLACH

CHAIRMAN GRACE POE LLAMANZARES

CHAIRMAN LLAMANZARES

CULTURE AND ARTS

DOLPHY

KATOLIKO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with