Dahil hindi pinayagan sina Kris Aquino at AiAi delas Alas ng kanilang TV network na mag-host ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night dahil sa GMA 7 ito mapapanood, ang magkakapatid na sina Ruffa, Richard, at Raymond Gutierrez ang ipinalit sa kanila. Game naman ang tatlo na saluhin ang pag-e-emcee sa awards night.
Kahit may lakad sana si Ruffa ay pumayag ito sa iniatang sa kanyang trabaho dahil magkakasama-sama sila ng mga kapatid niya.
* * *
Aba, at totoo nga palang may bago nang nagugustuhan si P-Noy. Dun ko rin sa radio program ni Ted Failon ito narinig, nung maging guest niya si Kris.
Sa kabila ng paulit-ulit na sinasabi ni Kris na ayaw niyang pakialaman ang love affair ng kanyang kuya, sa kanya unang lumabas ang identity ng babae, isang nagngangalang Len Lopez na ang tono ay inggit na inggit siya sa kapayatan nito at inihalintulad kay Kim Chiu.
For once narinig kong boto si Kris sa new girl ni P-Noy. Kung sabagay boto rin naman siya kay Liz Uy. Ang parang kinaringgan ko lang nung una na parang hindi siya 100% percent na pabor ay si Konsehal Shalani Soledad na binawi naman niya sa bandang huli. Hayaan mo na Kris si P-Noy na humanap ng girl para sa kanya. Kahit ’di ka boto sa gusto niya, bayaan mo na siya. Puwera na lang kung unanimous kayong apat na sisters niya na hindi boto sa girl. Doon puwede n’yo na siyang kausapin. At baka nabubulagan lang siya.
* * *
Masaya na siguro si Sarah Geronimo dahil nag-apologize na sa kanya si Cristine Reyes sa Twitter account nito. Inamin na rin ni Rayver Cruz ang kasalanan sa lahat ng nangyari bagama’t hindi ako agree na kasalanan niya na sinabi kay Cristine ang bagay na ikinagalit nito kay Sarah.
Mag-on sila, dapat lang na open sila sa isa’t isa. Hindi na niya sagot ang naging reaksiyon ni Cristine sa mga pangyayari. Baka paraan niya ’yun ng pagpapakita ng kanyang nararamdaman sa inaakala niyang kaapihan ng kanyang boyfriend sa kamay ng ibang tao. So, okay na sila sa Internet, sana okay din sila sa personal o totoong buhay.