Aiai Delas Alas, pasabog at pang-award ang akting sa 'Ang Tanging Ina Mo Last Na 'To!'

MANILA, Philippines - Lutang na lutang ang kahusayan ni AiAi delas Alas sa pagpapatawa at pagpapaiyak sa filmfest niyang Ang Tanging Ina Mo Last Na ’To! ng Star Cinema.

Malalakas na palakpak ang isinukli ng mga tao sa kanyang performance hindi lang sa mga comic scenes kundi pati na rin sa madadramang tagpo ha!

Todo talaga ang performance ni AiAi sa movie at hindi kataka-takang mapansin ng mga jurors ang magaling niyang performance. Lalo na sa eksenang matapos niyang magpaiyak, babanat siya ng nakakatawang linya.

Sa eksenang nalaman niyang meron siyang brain tumor, umarya na ng drama si AiAi. Tulo-luha agad siya na ramdam na ramdam ang damdamin ng isang inang iiwan na ang mga anak na nasa poder pa niya.

Eh hindi lang ang eksenang ’yon may dramatic moment si AiAi.

Memorable ang eksenang nagkita sila ng anak niyang si Marvin Agustin na akala niya ay nasa abroad pero nasa bansa pa lang! Grabe ang eksenang ’yon na nag-ending sa matinding iyakan ng mag-ina! Pasado si AiAi sa scene na ’yon with flying colors!

Pero ang pinakabonggang dramatic scene ni AiAi ay nang sumambulat na ang galit sa mga nag-aaway na anak! Ibang klaseng emosyon ang ipi­namalas ng Comedy Queen lalo na’t torn siya sa duties niya bilang ex-president at bilang inang naghihinagpis!

Klik na klik ang scene na matapos niyang umiyak nang major, major ay nagawa pa niyang humirit ng punch line kesehodang hulas na ang kanyang eyeliner na nahalo sa luha niya!

Of course, given na ang husay sa mga comedy scenes ni AiAi gaya ng batuhan nila ng linya ng gumanap na kasambahay niya, ang eksena niya with Eugene Domingo sa ambulansiya, sa doktor kung saan may spoof ang eksena nina Vilma Santos at John Lloyd Cruz sa In My Life, ang paninira niya kay Empoy habang naglalakad sa simbahan kasama ang anak niyang si Shaina Magdayao at maging ang paglalandi niya kay Piolo Pascual na may cameo role sa movie, sabog ang buong sinehan sa tawanan at palakpakan!

Tunay ngang lumutang na ang kahusayan ni AiAi hindi lang sa komedya kundi pati na rin sa drama sa huling serye ng Ang Tanging Ina. Hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang, “Gusto kong manalo ng best actress award!”

Well, Ang Tanging Ina Mo Last Na ’To speaks for AiAi’s award-winning performance!

Show comments