Stalker ni Uma Thurman nakulong uli
NEW YORK (Reuters) — Muling nakulong kamakalawa ang 39 anyos na stalker ni Uma Thurman na si Jack Jordan dahil inuulit niya ang kanyang ginawa noon sa Hollywood actress.
Nag-plead “not guilty” si Jordan nang basahan siya ng demanda sa sala ng isang Manhattan judge. Inutos ng korte na ikulong siya at huwag pagpiyansahin, ayon sa isang tagapagsalita ng Brooklyn District Attorney’s Office.
Bago ang pagdakip sa kanya, sinisilbihan ni Jordan ang kanyang probation makaraang masentensyahan may dalawang taon na ang nakakaraan dahil sa pagbubuntot-buntot niya sa buhay ng aktres na bida sa Kill Bill at panggigipit sa pamilya nito.
Naunang inaresto si Jordan noong Nobyembre sa kanyang bahay sa Montgomery County, Maryland dahil sa pagsasaliksik niya sa buhay ng aktres sa Google.
Inilipat siya sa New York dahil sa panibagong pagsusubaybay niya sa aktres noong Huwebes.
- Latest