Kris sinuportahan ni P-noy sa filmfest entry

MANILA, Philippines –  Todo-suporta si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang bunsong kapatid na si Kris Aquino nang pagbigyan nitong dumalo para sa premiere night ng pelikulang Dalaw.

Sinigurado ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kasamang nanood sa premiere night (Linggo, Disyembre 19) ng Da­law sa TriNoma si P-Noy bilang suporta sa kapatid na kalahok ang horror film sa 36th Metro Ma­nila Film Festival.

Ang regular showing sa mga sinehan ng Da­law at iba pang pelikula sa filmfest ay sa Disyembre 25.

Show comments