Bayan Mo iPatrol Mo may kakaibang kampanya sa Pasko

MANILA, Philippines –  Ang pagtulong at pagpapasaya sa kapwa nga­­­yong Kapaskuhan ay hindi lamang sa pamamagitan ng pera, mga lumang damit, o kagamitan. Maaari rin itong gawin sa pamamagitan ng pagla­laan ng inyong oras, talento, o lakas basta ba bukal ito sa kalooban.

Ibahagi na ang tunay na diwa ng Pasko at ipag­patuloy ang pagsagot sa tawag ng pagbabago sa inyong sariling pamamaraan sa naiibang kampanya ng ABS-CBN News and Current Affairs’ Bayan Mo iPatrol Mo ngayong Disyembre, ang Pasko ng Pagbabago.

Hinihimok nito ang mga aktibong bayan patroller na magpakita ng malasakit sa ibang tao, gru­po ng tao, o maging isang komunidad tulad ng boluntar­yong pagsisilbi bilang mga tagapag-pa­saya ng mga ulilang matatanda o bata, pamamahagi ng pagkain o laruan, paglilinis ng estero at kanal, pagtatanim ng puno, pagtuturo sa mga batang lansangan, at iba pang puwedeng magawa na magbibigay pag-asa sa kapwa.

Ipagbigay alam lamang ang inyong good deed sa BMPM sa pamamagitan ng pagpapadala ng e-mail sa ireport@abs-cbn.com o pagte-text ng IREPORT<space>pangalan<space>address<­space>kasarian<space>ang inyong mensahe sa 2366.

Ang aktibidad na mapipili ay may pagkakataong maipalabas sa Umagang Kay Ganda at TV Patrol ng ABS-CBN at sa ANC kasama ang ilang ABS-CBN anchors.

Siguraduhin lamang kumpleto ang detalye ng inyong suhestiyon tulad ng ilan kayong kasali sa ak­tibidad, saan at kailan ito mangyayari, at ano ang positibong epekto nito sa komunidad na inyong pagsisilbihan.

Para sa karagdagang impormasyon pumunta lamang sa http://bmpm.abs-cbnnews.com

Show comments