Talagang hindi na itinatago ni Jake Cuenca ang relasyon nila ni Melissa Ricks. Nang tanungin ito sa presscon ng kanyang Pamaskong pelikula, ang Super Inday and the Golden Bibe, kung sino ang makakasama niya ngayong Pasko, agad niyang sinabi ang pangalan nito.
“For the past two years ay malungkot ang naging Pasko ko, hindi na ngayon. Meron na akong inspirasyon na talagang nagbibigay kulay hindi lamang sa aking buhay kundi maging sa aking trabaho. Ganado talaga akong magtrabaho. I always look forward to finishing my work early and being with her. We’ve been dating exclusively for some time now,” pag-amin niya.
Sa kabila ng pagiging masaya ng kanyang lovelife, hindi nahihiyang aminin ng Kapamilya actor na naakit siya ng husto sa kasamahan niya sa pelikula na si Marian Rivera.
“Siya ang unang-una kong mami-miss ngayong tapos na kami ng shooting. Ang galing niya, bukod sa maganda siya, masarap tingnan ang kanyang mukha, nakakaakit talaga, pero wala siyang arte sa katawan, sobrang bait niya. Siya ang nagsilbing link para maging close kaming lahat. May ilang factor nga nung una dahil Kapamilya ako, kami ni Pokwang, siya ang gumawa ng move para maging close siya sa amin, tapos inilapit niya kami sa lahat ng aming mga kasamahan sa pelikula. Siya, siya talaga ang dahilan kung bakit naging masaya ang paggawa namin ng movie.
“Talagang itsi-cherish ko ang mga araw na nagkasama kami sa movie. Kahit sa panaginip man lamang muling magbalik ang masayang araw namin habang ginagawa ang movie. Fresh na fresh ang dating niya kahit ngarag kami sa shooting.
“Madugo ang mga fight scenes ko sa film. Medyo hapit pa ang costume ko, masikip sa lahat ng area. Hindi naman puwedeng luwagan, hindi na magiging maganda. It helped a lot na bago ang movie ay nasabak na ako sa action sa TV. I requested for the stuntmen na nakasama ko sa Agimat. Naging madali ang trabaho namin, alam na kasi namin ang routine,” sabi niya sa maraming press na medyo natagalang hintayin siya sa solo presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde para sa Super Inday and the Golden Bibe.
Ikinuwento ng isa sa mga nasa presscon na dinaanan pa muna niya sa casa ang kanyang brand new car na gamit niya sa kauna-unahang pagkakataon papuntang presscon. Tinukso tuloy siya ng lahat at sinabing marami na siyang pera at sinabing kotse rin ang hinihingi sa kanyang Pamasko ng Regal producer.
“Mother, kapag may pera na ako, bibigyan din kita ng kotse. Hindi pa ngayon dahil kasya lang pang-down payment ang pera ko. Pero ibibili kita ng isang magandang Christmas gift. Alam ko na kung ano ang gusto mo at ito ang ibibigay ko sa iyo,” pangako niya sa matriarka ng Regal.
Masuwerte si Mother Lily, nakuha ang serbisyo niya.
Hindi naman maitatangging napakaabala nitong artista. Kasabay ng movie ay may natapos siyang indie film. Ngayong tapos na siya ng Super Inday, haharapin naman niya ang Green Rose, isang serye ng ABS-CBN kung saan ay kasama niya sina Angelica Panganiban at Jericho Rosales. May bago rin siyang soap na gagawin.
Sa rami ng magagandang pelikula na makakalaban ng Super Inday sa MMFF, payag ba siyang mag-No. 4 lang ang movie nila?
“Mangangarap lang kami, might as well dream big. We did Super Inday and the Golden Bibe na ang nasa isip namin ay magna-No. 1 kami. We won’t settle for less,” may pagkapositibo niyang sabi. At pinalakpakan siya ni Mother Lily.
* * *
Masaya naman ang pa-Christmas ng Star Magic sa press. Pero dahil siguro ngarag ang press sa rami ng kasabay na party na ipinag-imbita ng PR officer ng Star Magic nung Miyerkules na si Tess Gubi kung kaya hindi makapag-concentrate ang press at hindi 100% na ma-enjoy ang kanilang effort na bigyan ang lahat ng isang masayang Christmas party. Hindi rin nakatulong ang hindi masayang paghu-host ng ilang Star Magic artists na dapat sana ang kinuha ay ‘yung medyo sanay na at kayang gawing masaya at exciting ang mga kaganapan.
Medyo nabuhay lamang ang lahat nang rumampa na ang ilang mga press na dumating suot ang mga costume nilang inspired by the characters sa mga teleserye ng kumpanya. May naka-Gelai, Victoria, at Vera ng Magkaribal. May naka-Palos at kung sinu-sino pang characters na naging memorable sa mga manonood ng TV. Bagaman at iisa lamang ang nanalo lahat ng sumali were awarded cash prizes for their effort.