Tama lang ang desisyon ng Star Magic na itago na muna sa media si Rayver Cruz. Siya kasi ang dahilan ng pang-aaway ni Cristine Reyes kay Sarah Geronimo.
* * *
Hindi naman ako agree kapag pumapasok at sumasali na sa isang isyu ang kamag-anak ng isang artista. Tulad na lamang ng paninisi ni Ara Mina sa kapatid na si Cristine dahil sa pang-aaway nito kay Sarah. Sana hindi na siya nagkomento na parang kinakampihan niya ang hindi niya kamag-anak, kahit ito pa ang tama. I believe families should stick together, through thick and thin. Kung hindi niya maipagtatanggol ang kapatid, huwag na niyang i-condemn. Kung gusto niyang makatulong, kausapin na lamang niya ng personal ang kapatid.
* * *
Tahimik na sana ang buhay ng anak ni Cherie Gil kay Leo Martinez kung hindi lang ito ibinulgar ng aktres sa hindi ko malamang kadahilanan. Dahil kaya uuwi ang anak nila galing Australia at magdyo-join na rin ito sa showbiz? Hindi lang ang bata ang magugulo kundi maging ang pamilya ni Leo mismo na binubuo ng kanyang misis na si Gina Valenciano-Martinez, kapatid ni Gary V. at mga anak nila.
At any rate, sana hindi nagkamali si Cherie Gil ng pagbubulgar ng pagkakaroon nila ng anak ng komedyante. At it is, excited ang lahat na makita ang magiging bagong karagdagan sa local showbiz.
* * *
Natalo man si Katrina Halili sa naging kaso niya kay Hayden Kho, Jr. ang paghingi nito sa kanya ng tawad ay isang malinaw na indikasyon na may inaamin itong kasalanan sa kanya. Absuwelto man ito sa kasong isinampa niya sa korte, sa korte ng publiko, talo ito. Inamin na niya, by saying sorry.
Move on ka na lang Katrina. Ganyan ang buhay. Minsan talo pero minsan may panalo rin. Isang maimpluwensiyang tao ang nagsabi ng sorry sa iyo, at iisa ang ibig sabihin nito, may kasalanan at nagsisisi siya.