Dennis game sa halikan kay Ogie
Nagti-taping sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ng guesting nila sa Jillian: Namamasko Po, pero sumaglit muna ang actor sa Century Imperial para mag-renew ng kontrata sa Regal Films. Eight movies for four years ang bagong kontrata ni Dennis, pero sabi ng manager nitong si Popoy Caritativo, early 2011, three movies agad ang gagawin ng actor.
Isa rito ang Mahinhin vs. Mahinhin nila ni Ogie Alcasid, ang Aswang nila ni Glaiza de Castro at ang The Other Man na ang request ng press kina Mother Lily Monteverde at Roselle Teo, ang GF ni Dennis at leading lady sa Rosario na si Jennylyn Mercado ang isama.
Sa Regal Films ang first movie ni Dennis at mga ginawang pelikula ang nagbigay sa kanya ng 14 acting awards. Thankful siya kina Mother Lily sa tiwala at pag-aalaga sa kanya, kaya hindi na pinatagal ang pagre-renew ng kontrata.
Excited na si Dennis sa movie nila ni Ogie na parehong bading ang role nila. Payag siya sa kissing scene, basta tunay na lalake ang makakahalikan.
Samantala, three days ang taping nina Dennis at Jennylyn sa Krismaserye ng GMA 7 na bida si Jillian Ward. Nagsimula na rin siyang mag-taping ng Dwarfina at busy sa mall tour para i-promote ang Rosario na entry sa Metro Manila Film Festival.
Tuloy pa rin ang biyahe nina Dennis at Jennylyn, pero sa Hong Kong na at hindi sa Hawaii after Christmas at babalik sila before New Year. Kasama nila ang kani-kanilang anak at ibang kapamilya para mag-relax at mamasyal at hindi para magpa-secret married.
Nag-comment pala si Dennis sa isyu nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. Sabi nito, “hindi lang siguro sila nagkaintindihan. Magpa-Pasko na, tigilan na ang mga away at sa halip magmahalan tayo.”
* * *
Wala pa ring mahanap na leading man para kay Marian Rivera sa epic serye nitong Amaya. Parehong hindi natuloy ang dalawang ABS-CBN actors na kinonsider for the role for different reasons. Si Actor A ay naka-isang meeting lang daw sa GMA 7 at nagbago ng isip at nag-decide to stay with ABS-CBN.
Si Actor B ay okay na sana at nagustuhan siya at nakitang babagay kay Marian, pero nagpaharang daw sa ABS-CBN at muling pumirma sa network. May dalawang Kapuso actors naman na nag-audition para maging leading man ni Marian, kaso parehong hindi nakapasa, although ‘yung isa sa kanila’y bagay pa ring masama kahit hindi na leading man.
* * *
Hindi pa man sarado ang usapan between TV5 and Susan Roces, si Ms. Susan na ang peg ng karakter na gaganap na ina ni Alice Dixson sa Babaing Hampaslupa, ang first soap ng istasyon. Nakarating na sa aktres na kinu-consider siya for the said role at ang sabi, basta maganda ang role and she will not look silly, may posibilidad na tanggapin niya.
‘Katuwa nga dahil kahit hindi pa umoo si Ms. Susan, napili na si direk Celso Ad. Castillo na kanyang kapareha. May partner na rin si Alice at si Alex Gonzaga na ilu-launch bilang drama actress sa nabanggit na soap.
Bago raw magtapos ang December ang taping ng Babaing Hampaslupa at early 2011 ang airing.
Magugulat daw kami sa ibang kasama sa cast dahil may artista from ABS-CBN at GMA 7. Kundi kami nagkakamali, ito ang papalit sa My Driver Sweet Lover.
* * *
Curious kami sa tweet ni Jolina Magdangal dahil parang may pinariringgan. Sabi nito sa first tweet, “totoo ngang nagbago na ang sistema. Grabe!” at sinundan ng “pasalamat sila hindi ako maldita at pasaway tulad ng iba.”
Sino kaya ang ini-emotan ni Jolina? I’m sure career related ito at hindi lovelife dahil happy siya sa piling ng BF niyang si Marc Escueta.
More tweets Jolens para mahulaan namin!
* * *
May gift-giving this Thursday sina Aiza Seguerra at ang P3P Events & Promotions sa Robinson’s Metro East. Mga batang galing sa Founding House, CRIBS, House of Refuge at Boys’ & Girls’ Home ng Boys Town ang bibigyan nila ng gifts at pasasayahin thru’ rides and fun games sa Fun Ranch sa Ortigas.
Yearly ito ginagawa nina Aiza at ng P3P Events & Promotions at magtatapos ang event sa show ni Aiza with her band at 5pm. Katulong nila rito ang ENPRESS.
- Latest