Kaso ni Katrina laban kay Hayden, ibinasura
TRUE : Na-dismiss ang kasong Rep. Act 9262 na isinampa ni Katrina Halili laban kay Dr. Hayden Kho, Jr. na ikinabigla ng dalawang kampo.
Binasa ang desisyon ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig-RTC kahapon ng hapon na ikinabigla ni Hayden at ng mga abogado nito lalo na si Katrina.
Tinanggap ng korte ang Demurrer to Evidence na isinumite ng abogado ni Hayden kaya automatically, nabasura ang kaso.
Matigas ang mga pahayag ni Katrina na ipaglalaban pa rin niya ang kasong ito at hindi siya titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang ginawa sa kanya ng ex-boyfriend pati na rin sa ibang babaeng nadamay sa sex video.
Humingi naman ng paumanhin si Hayden kay Katrina sa lahat na mga nangyari. Sana ay makapag-usap daw sila na silang dalawa lang para matapos na ang gulong ito.
TANONG : Bukod kay Sarah Geronimo, may galit din si Cristine Reyes sa ilang mga kaibigan niyang dating ka-miyembro ng Ampalaya Anonymous?
Nagtaka si Maxene Magalona bakit sinabi ni Cristine na hindi sila okay gayung wala naman itong sinasabi sa kanila.
Matagal na silang walang komunikasyon pero ang pagkakaalam ni Maxene, wala silang pinag-awayan. Kung ang ikinasama ng loob ni Cristine ay dahil parang iniwan siya sa ere nina Maxene nung nakaaway nito si Pauleen Luna, hindi niya dapat isipin ’yun dahil apektado naman silang lahat sa gulong ’yun ng Ampalaya Anonymous.
Ang lumalabas tuloy ngayon, ang dami nang nakakaaway ni Cristine dahil lang naman sa lalaki.
TOTOO KAYANG nagpadala ng security guard ang aktor sa taping ng asawa niyang isa ring kilalang aktres dahil sa may nakarating sa kanyang namamalisyahan na ang closeness ng asawa nito sa ka-partner niyang aktor?
Para wala nang maririnig na kung anu-anong tsismis tungkol sa aktres na ito at ng ka-partner niya, nagpadala na siya ng security guard para mabantayan ito.
Mukhang nagkakalabuan na nga silang mag-asawa pero ginagawan pa rin ni aktor na maayos ito at hindi mauwi sa hiwalayan.
TSIKA LANG : Ayaw nang sabihin ni Albert Martinez kung magkano ang inabot ng pelikulang Rosario pero makikita naman sa kabuuan ng pelikula kung gaano ito kalaki.
Hindi na niya iniisip kung kikita ito o hahakot ng award sa Metro Manila Film Festival. Ang gusto lang naman niya ay may maiambag siya sa movie industry na ganito kaganda at makabuluhang pelikula na sana sundan din ng ibang producers.
- Latest