Pinakamababang pantawag ngayong Pasko

MANILA, Philippines – Ngayong Pasko, huwag manghinayang o magtipid na tumawag sa mga mahal sa buhay na nasa abroad dahil dalawang piso lang kada minuto sa Todo IDD Tawag Card ng Sun Cellular Network. Ito ang pinakamababang mobile IDD rate para sa mga prepaid subscribers.

Kaya mag-merry Christmas na bati lagi sa mga kaibigan at kamag-anak sa US (main), Canada, Hong Kong, Singapore, China, and Guam dahil P2 per minute lang ang konsumo sa kahit anong gamit na Sun prepaid SIM. Sa Sun Todo IDD P100 na load, 50 minutes na iyon ng mga pagbati sa abroad!

Sa mga bansang Australia, Malaysia, South Korea, Taiwan, Macau, Brunei, at Thailand naman ay P5 kada minuto lang. Kapag sa Japan at Italy ay P8 per minute at sa Saudi Arabia, UAE, at UK ay P10.

Hassle-free ang Sun Todo IDD load dahil wala nang mememoryahing numero at walang registration, diretsong gamit lang sa pantawag sa mobile phone o landline number.

Ang Sun Todo IDD P300, P100, at P50 card denominations ay magagamit sa 60, 30, at 15 days.

Para sa dagdag kaalaman, i-dial ang 200 sa inyong Sun mobile phone o (02) 395-8000 sa landline phone.

Show comments