MANILA, Philippines - Tinanghal and DWIZ bilang Best AM Radio Station of the Year sa 19th Golden Dove Awards ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
Ang DWIZ ay flagship station ng Aliw Broadcasting Corporation na may mahigit na sampung radio stations sa buong bansa, kasama na ang Home Radio 97.9 FM station.
Sa pagbibigay parangal sa DWIZ, ipinunto ng KBP board of judges ang pagkakaroon nito ng balanseng programa sa pagbibigay ng impormasyon, edukasyon, serbisyo publiko at entertainment. Gayundin ang pagkakaroon ng DWIZ ng malikhain at makabagong presentasyon ng mga programa.
Pinamumunuan ang DWIZ ni J. Antonio A. Cabangon Jr., presidente; Wilfredo Tayag, executive vice president at general manager; Rey Langit, vice president at station manager; at Ely Aligora, program director.
Samantala, ang Aliw Broadcasting board of directors ay pinangungunahan ni retired Supreme Court Justice Angelina S. Gutierrez bilang chairwoman nito, at Ambassador Antonio L. Cabangon Chua, chairman emeritus.
Pangalawang pagkakataon na ng DWIZ na tanghalin bilang Best AM Radio Station of the Year ng KBP Golden Awards.