Mark dalawang beses magbi-birthday

MANILA, Philippines - Normal na uli ang buhay ni Mark Herras. Naka­pag­pahinga na siya matapos payuhan ng doctor na maghinay-hinay sa trabaho.

Kasalukuyan siyang napapanood sa Puso ng Pasko : Artista Challenge ng GMA 7 at piniling i-celebrate ang birthday niya sa special venue kasama ang love-yearning kids.

Feeling ni Mark na nakasama sa mga hit series na Langit Sa Piling Mo at Diva, ang Pasko ang perfect time to give back sa mga natanggap niyang blessings sa magtatapos na taon. Plus meron pa nga pala siyang magandang exposure sa Party Pili­­pinas kung saan ipinakikita niya ang pagiging Ulti­mate Bad Boy ng dancefloor.

 “Ayokong sayangin ang opportunity na binibigay sa akin. Kaya talagang nagseseryoso ako,” say ni Mark.

Sa December 14 ang actual birthday ni Mark na dalawang beses magkakaroon ng celebration - sa Puso ng Pasko nga kung saan humarap sila ng partner niyang si Ynna Asistio sa mga challenges – ranging form the heart warming to the death defying para sa pamilyang be­neficiary ng kanilang partnership.

Pagdating ng December 30, makakasama naman niya ang mga bata sa Our Father Foundation, isang NGO na nag-aalaga ng mga kabataan sa isang blow out sa Enchanted Kingdom.

* * *

Naaliw ako sa tweet ni Jericho Rosales kahapon : “Ok.. I’m locked inside a comfort room. Mr. Maintenance guy of ABS-CBN. Help? Nuuuninuuninu.” 

Maya-maya ay may tweet na naman siya : “Out now hehehehe na-lock din pala si @jedmadela (Jed Madela) hahaha! Bad door! Hosting Araw Awards w the beautiful Donita Rose and Channel V VJ Megan Young!”

Hahaha talaga.

Si Kris Aquino naman nagkaroon ng Q&A portion sa Twitter kahapon :

“Friends na talaga kami ni James (Yap), I’m using the Birkin he gave me again. Nice di ba?

“No more chance of me and James getting back together. But we are friends.”

Super sipag nga si Kris sa pagpo-promote ng Dalaw dahil ramdam siguro niyang malalakas ang kanyang mga kalaban sa MMFF.

Show comments