^

PSN Showbiz

Nasuhulan lang, Baby James sobrang seloso

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi nagpatalbog ang Aquino sisters dahil libro na may title na Noynoy’s Sisters ang mga pang-give away nila sa nalalapit na Pasko.

Ang mga kuwento ng Aquino sisters tungkol sa kampanya at pagkakahalal kay P-Noy bilang pa­ngulo ng Pilipinas ang mababasa sa libro. Sila rin ang author kaya nga Noynoy’s Sisters ang pamagat ng libro.

Ang entertainment press ang early recipients ng libro dahil ito ang ipinamigay ni Kris Aquino sa presscon ng Dalaw, ang pelikula niya na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Maraming salamat kay Emma Guevara dahil ipinadala niya sa akin ang libro at loot bag ni Kris kahit hindi ako nakadalaw sa presscon ng Dalaw. Mga produkto na iniendorso ni Kris ang laman ng loot bag.

* * *

Required si P-Noy at ang mga kapatid ni Kris na dumalo sa red carpet premiere ng Dalaw sa Trinoma sa December 19.

Ang Star Cinema ang nag-adjust sa schedule ni P-Noy kaya 5:00 p.m. ang schedule ng screening ng Dalaw. Hindi puwede sa gabi dahil may mahalagang appointment na dapat puntahan si P-Noy.

* * *

Si Maliksi Morales ang gumaganap na anak ni Kris sa Dalaw. Sa name pa lang ni Maliksi, hindi puwedeng i-deny na kapatid siya ni Makisig Morales.

Hindi type ni Baby James na bagets na lalake ang gaganap na anak ng kanyang madir sa Dalaw. Napapayag lang si Bimby nang suhulan siya ng mga laruan. Ganyan kaseloso at ka-smart si Bimby. Ayaw niya na may kahati sa atensiyon ng nanay niya.

* * *

Kahapon ang 9th anniversary ng Flawless. Big discounts ang natikman ng mga kliyente ng Flawless bilang pasasalamat ng management sa kanilang walang sawa na pagtangkilik sa nangungunang beauty clinic sa bansa.

Ang Flawless sa Megamall ang kauna-unahang branch ng beauty business ni Rubby Sy. Hands-on si Rubby sa pagma-manage ng Flawless kaya naging successful ito.

Sina Richard Gutierrez, Judy Ann Santos, Mark Herras, Yasmien Kurdi at Lorna Tolentino ang mga celebrity endorser ng Flawless. Pumirma na rin ng kontrata si Iza Calzado pero next year pa ang campaign ng Flawless para sa kanya.

As usual, nagulat na naman si Iza dahil alam ng mga reporter ang kanyang bagong endorsement. Hindi na nasanay si Iza sa showbiz press. Walang puwedeng ilihim sa entertainment writers.

* * *

Malaking party ang inihahanda ni Manny Pacquiao sa kanyang 32nd birthday na idaraos sa General Santos City.

Invited sa party ang constituents ni Manny, ang mga kaibigan niya sa mundo ng sports, showbiz at pulitiko.

Invited din ang mga Mexican boxer na tinalo ni Manny sa kanyang mga nakaraan na laban. First time ni Manny na magdiriwang ng birthday bilang congressman ng Sarangani kaya triple at hindi lamang doble ang bilang ng mga bisita na makiki-celebrate sa Pambansang Kamao.

ANG FLAWLESS

AQUINO

BABY JAMES

BIMBY

DALAW

EMMA GUEVARA

GENERAL SANTOS CITY

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with