^

PSN Showbiz

ABS-CBN Best TV Station sa Golden Dove Awards

-

MANILA, Philippines - Muli na namang humataw ang ABS-CBN Corporation sa ginanap na 19th KBP Golden Dove Awards kung saan nakapag-uwi ito ng 22 parangal kabilang na ang Best TV Station.

Nakuha ng Channel 2 ang 13 awards, sampu naman para sa AM radio station nitong Tambayan 101.9 at channel subsidiary na Studio 23.

Wagi ang Bandila bilang Best TV Newscast, Rated K bilang Best TV Magazine Program, Sports Unlimited bilang Best TV Sports Program, at Salamat Dok bilang Best Public Service Prog­­­ram.

Nanalo naman ang Harapan: The Vice Presidential Debate ng Best TV Special Program habang ang Y-Speak ng Studio 23 ay nanalong Best Public Service Program at ang Mathinik ay nagwaging Best TV Children’s Program.

Hinirang si Henry Omaga-Diaz bilang Best TV Newscaster at ang kanyang Bandila co-anchor na si Ces Drilon ang nanalo naman ng pinakamataas na parangal para sa gabing iyon nang hi­­ra­ngin siyang Ka Doroy Broadcaster of the Year.

Para sa larangan ng entertainment, dalawang parangal ang nakuha ng Maalaala Mo Kaya bilang Best Radio and TV Drama Program.

Kinilala naman si Judy Ann Santos sa Best TV Drama Actress category habang si Coco Martin naman ang nanguna sa Best TV Drama actor cate­gory.

Pinangalanan din si Boy Abunda bilang Best Public Affairs Program host para sa programang The Bottomline.

Umariba rin ang Kapamilya pagdating sa radyo matapos manalo ang Sa Kabukiran ng DZMM para sa Best Radio Scince and Technology Program, si Ka Louie Tabing para sa Best Radio Science and Technology Journalist award, ang Pasada 630 ni Karen Davila at Vic Lima uli para sa Best Radio Public Service Program, at ang Radyo Patrol Balita ni Alex Santos at Jasmin Romero para sa Best Radio Newscast Award.

Si Alex Santos ang kinilalang Best Radio News­­caster, Edwin Sevidal ng DZMM bilang Best Radio Field Reporter, si DJ China Heart ng Tam­bayan 101.9 bilang Best Radio Jock, at si Ted Failon bilang Best Radio Public Affairs Program Host.

Wagi rin ang Konsyumer Atbp ng DZMM para sa Best Radio Public Service Program at ang Ang Bayan Naman promo nito para sa Best Radio Station Promotional Material.

Ang taunang Golden Dove Awards ay inoorga­ni­sa ng Ka­pisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas.

ALEX SANTOS

ANG BAYAN NAMAN

BEST

BEST RADIO PUBLIC SERVICE PROGRAM

BILANG

GOLDEN DOVE AWARDS

PARA

PROGRAM

RADIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with